Ang buwan ng Oktubre ay punong-puno ng misteryo at kababalaghan kung saan ay tampok sa mga palabas sa telebisyon ang mga kwento ng katatakutan. At sa huling araw nga ng Oktubre, ay inaabangan ng lahat ang pagdiriwang ng Halloween kung saan ay nagkakaroon ng Halloween party. Sa espesyal na okasyon na ito, ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga magulang na bihisan ng Halloween costume ang kanilang mga cute na anak na talaga namang napakagandang pagmasdan. Maging ang mga proud parents, ay nagsuot rin ng kanilang costume upang suportahan ang kanilang mga anak.
Nito lamang ika-31 ng Oktubre, ay hindi hadlang ang nararanasang pandemya upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Halloween. At ngayong nagdaang Halloween nga, ay proud na ibinahagi ng mga celebrities ang kanilang mga kahanga-hangang Halloween costume sa kani-kanilang social media accounts.
Ating silipin ang mga cute na cute na celebrity babies kasama ang kanilang mga magulang sa kahanga-hanga nilang Halloween costume sa pagdiriwang ng Halloween ngayong taon.
Ang anak ni Anne Curtis na Baby Dahlia Amelie at anak ni Solenn Huesaff na si Baby Thylane Katana ay hindi nagpahuli na ipamalas ang kanilang kacutan sa kanilang first halloween celebration.
Si Baby Dahlia ay cute na cute sa kanyang little fairy costume.
Photo credits: Anne Curtis | Instagram
Si Baby Thylane naman ay napakacute sa kanyang suot na Little Red Riding Hood kasama ang asong si Pochola bilang Big Bad Wolf. Talagang napakacute ng magpinsan sa napili nilang costume para sa Halloween celebration.
Si Baby Amari naman ay napakacute rin sa suot nitong Winnie the Pooh costume. Sinamahan naman siya ng kanyang mga magulang kung saan ang kanyang Daddy Billy ay nagsuot ng Tiger onesie, samantalang si Mommy Coleen naman ay isang Piglet onsie ang napiling isuot. Napakagandang pagmasdan ng kanilang pamilya sa kanilang costume.
Photo credits: Coleen Garcia Crawford | Instagram
Photo credits: Coleen Garcia Crawford | Instagram
Ang pamilya naman ng celebrity doctor na sina Dra. vicki Belo at Haden Kho, kasama ang anak na si Scarlet Snow Belo, ay Alice in Wonderland characters ang napiling Halloween costume para ngayong taon. Si Scarlet ay karakter ni Red Queen, si Dra. Vicki naman bilang girl version ni Johnny Depp’s ‘The Mad Hatter’. Samantalang si Hayden, ay isinuot ang costume ng ‘The Knave of Hearts’.
Photo credits: Vicki Bello | Instagram
Ang cute na cute na anak ni Sofia Andres na si Baby Zoe, ay sadyang nakakatuwang pagmasdan bilang isang pumkin at Snow White crochet outfit.
Photo credits: Sofia Andres | Instagram
Photo credits: Sofia Andres | Instagram
Ang bunsong anak naman nina Drew Arellano at Iya Villania na si Baby Alana, ay napakacute rin sa suot nitong Crab crochet outfit.
Photo credits: Drew Arellano | Instagram
Ibinida naman ni Mommy Regine Tolentino ang twinning outfit nila ni Baby Rosie kung saan ay nagsuot sila ng Wonder Woman costume.
Photo credits: Regine Tolentino | Instagram
Todo effort naman ang pamilya ni Carlo Aquino at Trina Candaza sa pagdiriwang ng Halloween sa kanilang vintage halloween costume na sinamahan pa ng kahanga-hangang make up, habang nakasuot ng mga itim na damit. Napakacute nga ni Baby Enola Mithi sa suot nitong black baby dress.
Photo credits: Carlo Aquino | Instagram
\
Photo credits: Carlo Aquino | Instagram