Isang mukha na may kahanga-hangang kagandahan ang taglay ng Kapamilya aktres na si Jane de Leon. Sa kanyang mala-dyosang kagandahan ay hindi magsasawa ang sinumang masilayan ang kanyang maamong mukha.
Hindi nga nakapagtataka na ang aktres ay mapabilang sa pinakasikat at pinakakilalang artista sa industriya ng showbiz. Dahilan nga, upang ibigay sa kanya ang bigating role bilang bagong “Darna”.
Photo credits: Jane De Leon | Instagram
At kamakailan nga, araw ng Linggo, ika-22 ng Nobyembre, ay ipinamalas ni Jane ang kanyang kahanga-hangang kagandahan sa pagdiriwang ng kanyang ika-22 birthday kung saan ay nagkaroon siya ng photoshoot.
Hindi maikakaila na ang birthday pictorial ni Jane ay sadyang napakaganda. Habang suot nga ang isang black dress ay lumutang ang kanyang makapigil-hiningang kagandahan.
Photo credits: Jane De Leon | Instagram
Masaya namang ibinahagi ng aktres ang kuha ng larawan sa photoshoot sa kanyang Instagram account at pinasalamatan ang mga taong naging instrumento upang maisakatuparan ang kanyang napakagandang birthday photoshoot.
“Never ending fantasy.
Thank you for the whole team who made this possible to me. Love u guys!”
Ang mga taong ito ay binubuo ng mahusay na photographer na si Gee Plamenco Jr, stylist na si Cath Sobrevega. Ang kanyang napakagandang makeup naman ay gawa ni Denise Ochoa at ang ayos ng kanyang buhok ay si Chris Rodil ang nagbigay kagandahan. Walang duda na sa galing ng team, ay lumutang kung gaano kaganda ang bagong “Darna”. Bagay na bagay nga kay Jane ang kulay itim na damit sa kanyang maputing kutis habang nakaawra sa harap ng camera.
Samantala, marami sa mga tagahanga ng aktres at malalapit na kaibigan sa showbiz ang humanga at nagpaabot ng pagbati sa kanyang kaarawan. Ilan nga sa mga ito ay sina Marian Rivera, Maja Salvador, at Marlo Mortel.
Unang nakilala at nasilayan sa telebisyon si Jane sa noon time show na “It’s Showtime” ng ABS-CBN bilang miyembro ng female dance group na “Girltrendz”. At magmula nga ng masilayan ang kanyang angking talento, ay nabigyan na rin siya ng proyekto. Taong 2018 nga, ay mas lalo pa siyang nakilala sa kanyang pagganap bilang isang aktres nang mapabilang sa cast ng teleseryeng “Halik”.
Taong 2019 naman ay naging maugong ang pangalan ni Jane, matapos mapiling gumanap sa pinakasikat at kilalang Pinay Super hero na Darna. Bagama’t nasimulan na ang taping noong Enero, ay nahinto ito dahil sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya sa bansa.