Nasa modernong panahon na nga tayo ngayon kung saan ay halos umiikot na ang ating mundo sa internet, mapa-social media man o ibang video platforms tulad ng YouTube. At karamihan nga sa atin ay talagang nahuhumaling sa social media at panonood sa Youtube.
Sa paglipas nga ng panahon ay dumami na ang mga kilalang Youtuber sa ating bansa na kung saan ay patuloy na naghahatid ng saya sa mga manonood. Maliban naman sa paghahatid ng saya, ay nagpapaabot rin sila ng tulong sa mga nangangailangan mula sa kanilang kita bilang isang vlogger.
Photo credits: Cong TV | Instagram
Katulad na lamang nga ng sikat na Youtuber na si Cong Velasquez o mas kilala ng lahat bilang Cong TV. Nagsimula ang pagiging vlogger ni Cong noong 2015, kung saan ay naeenjoy niya ang kanyang ginagawa habang kumikita. At nang lumaon nga, ay gumawa na siya ng content na makakapagbigay ng saya sa mga manonood kasama ang kanyang team na tinawag niyang Team Payaman.
Ang Youtube Channel ni Cong TV sa kasalukuyan ay may tumataginting na 7.09 Million subscribers. Hindi maikakaila na napakadami ang talagang sumusubaybay sa kanyang mga videos. Isa nga sa hinahangaan ng kanyang mga followers sa kanya, ay ang taglay niyang kabutihang loob, kung saan ay hindi siya nagsasawaang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
At nito lamang ngang ika-6 ng Nobyembre, tampok sa kanyang vlog ang pagpapaiyak niya sa kanyang assistant na si DaTwo, matapos niyang surpresahin ito ng isang mamahaling sasakyan. Si DaTwo ay matagal nang assistant ni Cong, at ayon nga sa vlogger, ay napakabuti nitong tao at sa tuwing may ipinapagawa siya rito ay ginagawa nito ng maayos ang trabaho.
Photo credits: google.com
Si DaTwo naman kapag may pupuntahan o may kailangang gawin na kinakailangang gumamit ng sasakyan ay madalas umano itong humiram ng sasakyan sa mga kaibigan nito. Kaya naman, naisip ni Cong na isang sasakyan ang ibigay na regalo sa kanyang assistant.
Photo credits: Cong TV | Youtube
Photo credits: Cong TV | Youtube
Sa video ay mapapanood na bumili na muna ng sasakyan si Cong, upang isurpresa sa kanyang assistant. At nang makauwi nga sa kanilang bahay, ay doon na nga nila sinimulang biruin si DaTwo. At nang iabot ni Cong ang susi ng sasakyan at sabihin na sa kanya ang bagong mamahaling sasakyan, ay ganun na lamang ang pagkagulat nito.
Photo credits: Cong TV | Youtube
Hindi nga halos makapaniwala si DaTwo at naiyak pa sa labis na kaligayahan. Binuhat pa si DaTwo ng kanyang mga kasamahan upang mas ramdam ang saya sa surpresang ginawa ni Cong para sa kanya. Labis-labis nga ang pasasalamat ni DaTwo sa kanyang Boss Cong dahil may sarili na siyang sasakyan at hindi na kailangan pang manghiram sa kanyang mga kaibigan.
Photo credits: Cong TV | Youtube
Tunay nga, na napakabuti ni Cong dahil pati ang mga taong malalapit sa kanya ay binibigyan rin niya ng pagkakataong malasap ang biyayang kanyang tinatamasa mula sa kanyang tagumpay.