Sikat na Vlogger Ivana Alawi, Personal na Bumista at Namahagi ng Tulong sa Cagayan Isa sa mga Lugar na Labis na Nasalanta ng Bagyong Ulysses

Ilang araw na ang lumilipas ng ang bansa natin ay sunod sunod na daanan ng malalakas at mapaminsalang mga bagyo, kung saan ag naging dahilan ito ng matinding pagbaha sa ilang mga lugar sa ating bansa.

Matatandaan na nito lamang ika-12 ng Nobyembre ng humagupit sa ating bansa ang bagyong Ulysses, na may dalang malakas na buhos ng ulan at bugso ng hangin.

Dahil sa lakas ng buhos na ulan at bugso ng hangin na dala ng bagyong Ulysses ay maraming mga kababayan natin ang kinailangang ilikas sa kanilang mga tahanan, at ang iba pa nga ay nastranded pa sa kanilang mga bubungan dahil sa matinding pagbaha na dulot na malakas na pag-ulan.

Kabilang nga ang mga kababayan natin sa Isabela, Cagayan at Tugegarao sa mga labis na nasalanta ng bagyong Ulysses, dahil marami sa mga kabahayan at kabuhayan doon ang nasira na ng dumaang bagyo.




Samantala, sa kabila ng pagsubok na ito na nararanasan ng marami nating mga kababayan sa mga nasabing lugar, ay hindi naman mawawala ang nga taong handang mag-abot ng kanilang tulong para sa mga ito.

Kabilang na nga dito ang sikat na actress at vlogger na si Ivana Alawi, kung saan ay personal itong nagtungo sa ilang nga lugar na nasalanta ng bagyo upang tumulong mamigay at magre-pack ng mga relief goods para sa mga residente na nabahaan at nawalan ng tirahan.

Photo credits: google.com

Sa Facebook post ni Ivana, ay makikita ang kanyang naging pagbabahagi ng ginawa nilang pagrerepacked at pamamahagi ng mga relief goods para sa amga kababayan natin na labis na nasalanta noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Photo credits: google.com

“Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses dito sa Isabela at Cagayan”, ang naging saad ni Ivana.

Photo credits: google.com

Ayon sa Cagayan’s Information Office, nag-courtesy call ang vlogger na si Ivana kay Gov. Manuel Mamba matapos mag-donate ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyo.




Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Makikita rin sa Instagram stories ng aktres ang mga reposted stories na galing sa mga residente ng Tuguegarao na taos-pusong nagpasalamat sa pagbibigay tulong niya para sa kanila.
Muli nga namang pinahanga ni Ivana Alawi ang kanyang mga tagahanga, dahil sa kabutihan sa kapwa na kanyang ginawa.