“Sana ‘yung kaya akong buhatin…with benefits din”: Queen Of All Media Kris Aquino, Naghahanap ng Nurse na Kaya Siyang Buhatin Kapag Inaatake Siya ng Kanyang Sakit

Kilalang-kilala na ng lahat ang aktres, TV Host, product endorser at businesswoman na si Kris Aquino. Ang kasikatan nga ng aktres na hindi maikakaila sa dami ng proyekto at endorsement ay nakilala na rin sa bansag na “Queen of all Media”.

Samantala, bukod nga sa pagiging mahusay na aktres, ay mabuti rin ang kalooban ng Queen of All Media. Sa katunayan nga nito, ay mahal na mahal si Kris ng mga taga-production sa tuwing may proyekto silang ginagawa. Ito nga ay dahil palaging advance ang pagbibigay niya ng bayad sa mga ito kahit hindi pa niya nakukuha ang talent fee sa produktong kanyang ineendorso.




Hindi nakapagtataka na malapit rin siya sa mga taong kanyang nakakatrabaho. Ngunit, sa kabila nito, ay marami ang hindi nakakaalam na may sakit pala si Kris. Kahit nga may sakit ay humaharap pa rin siya sa camera basta’t kaya niya. Pero kung talagang hindi niya kayang magtrabaho ay agad naman niyang sinasabi sa kliyente.

Photo credits: Kris Aquino | Instagram

At kamakailan nga habang nagsho-shoot ng webisodes para sa isang brand ng produkto kung saan kasama niya ang anak na si Bimby, ay tila maganda ang pakiramdam ni Kris. Makikita kasi na masaya ang kanyang awra na tila walang iniindang karamdaman at nakipagbiruan pa sa production staff.

“It’s a shoot day today, we’re doing kitchen stuff for Philips, (sabay tawag ng pangalan ng staff na nakasama pa niya sa Game Ka Na Ba show noon), hi everybody! Maging happy naman kayo kasi kahit hindi pa ako bayad, binayaran ko na kayong lahat, ha, haha. Let’s be happy.”

Sa pagkakataong ito, ay inamin ni Kris na naghahanap siya ng nurse na kaya siyang buhatin sa tuwing aatakihin siya ng kanyang sakit na vertigo. Kamakailan lang kasi nang sumpungin ang aktres ng sakit at bigla na lang bumagsak. Mabuti na lamang at nakaalalay agad sa kanya ang anak na si Bimby at right hand na si Alvin Gagui. Ngunit, hindi naman siya kayang buhatin ng mga ito, kaya tinulungan pa sila ng isang female nurse.

Photo credits: Kris Aquino | Instagram




Ayon nga kay Kris, ang nais niyang maging personal nurse ay kaya siyang buhatin. Tiniyak naman ni Kris na makakatanggap ito ng kompletong benepisyo mula sa kanya.

“Kaya naghahanap kami ng isa pang nurse na sana ‘yung kaya akong buhatin with benefits you know, SSS, Philhealth, Pag- Ibig.”

Photo credits: Kris Aquino | Instagram

Samantala, ibinahagi rin ni Kris kung bakit hindi siya madalas nakakapag-post. Ito nga ay dahil masama umano ang kanyang pakiramdam, kaya naman, marami umano siyang inihandang surpresa para sa kanyang mga followers.

“Ilang days akong hindi nag-post kasi I’m not feeling well, alam kong marami na kayong problema kaya bakit ko pa dadagdagan ang problema ninyo by sharing my problems. Updates tomorrow.”