Ryza Cenon, Ibinahagi na Isang Anak lang ang Gusto nila ng Kanyang Asawa, Dahilan ng Aktres Inilahad

Ang akres na si Ryzza Cenon, ay isa sa mga newly celebrity mom, kung saan ay isinilang niya ang kanyang unang baby noong ika-31 lang ng Oktubre 2020, na isang malusog na baby boy at pinangalanan niyang “Knight”.
Ngayon na isa ng magulang ang aktres, ay isa lamang ang kanyang hangad para sa anak ang magkaroon ito ng maayos at magandang buhay sa hinaharap nito.




Kaya namang kahit maliiit pa lamang si baby Knight, ay agad ng pinag-iisipan ni Ryzza at ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer, ng bawat hakbang na gagawin nila, bilang mga magulang, upang masigurado ang magandang kinabukasan ng kanilang anak.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Napagdesisyunan ni Ryzza at Miguel, na hindi na dagdagan pa ang anak na si Knight, ito ay upang masigurado na ang lahat ng oras, panahon nila at maging ang pangangailangan nito ay buong buo nila maibibigay sa kanilang anak, at masisigurado nila na mabibigyan nila ito ng magandang kinabukasan.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

“Nagdecide kami na isa lang. Naisip namin, na parang habang tumatagal, sympre pamahal ng pamahal ang tuition fee. Yun agad ang nasa isip naming, di ba?”




Ayon nga kay Ryzza, sa panahon ngayon ay kinakailangang maging praktikal, at yun ang kanilang ginagawa, ito ay dahil sa taon-taon ay halos tumataas ang lahat, bilihin man ito o mga bayarin, katulad ng tuition sa pag-aaral, kapag nag-aral na ang kanilang anak.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Ngunit, minsan nga ay hindi nasusunod ang plano natin kaya naman, ayon sa aktres kung sakali namang biyayaan muli sila ni Miguel ng isa pang anak, ay handa naman umano siya para rito.

“Kung mangyari mang magkababy kami uli, okay naman. Pero ang plan po talaga naming, one lang.”

Samanatala, ngayon ay pokus muna si Ryzza sa kanyang baby boy na si Knight, at nais muna nitong ibigay ang buong atensyon at pagmamahal niya rito, habang siya’y hindi pa nagbabalik sa trabaho.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Pinaghahandaan rin ng aktres ang kanyang magiging pagababalik trabaho, kung saan ay pagbidahan niya ang isang bagong telserye ng TV5 ang Bella Bandida, na magsisimula ng umere sa ika-25 ng Nobyembre.

Sina Ryzza Cenon at partner nitong si Miguel Antonio Cruz, ay nagkakakilala dahil sa kaibigan ng aktres na isang bank manager na si Ms. Maricar. Pitong buwan din umanong nagpaligaw si Ryzza kay Miguel bago niya ito sinagot at naging kasintahan.

Q and A with Dada! + Maternity Shoot Highlights | Real Ryza Cenon