Rufa Mae Quinto, Ipinasilip ang Masayang Bonding nila ng Kanyang Anak na si Athena Matapos Mamasyal at Mag Pumpkin Picking

Hindi maikakaila na isa sa nagpapatibay sa relasyon ng magulang sa kanilang anak ay ang pagkakaroon ng bonding moments. Kaya naman, hangga’t may pagkakataon ay hindi pinapalampas ng isang magulang na makasama ang anak.




Katulad na lamang nga ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto na sinulit ang oras na makasama ang kanyang anak na si Athena sa pamamasyal. Kasalukuyang naninirahan si Rufa sa United States kasama ang kanyang asawang si Trevor Magallanes at anak na si Athena.

Kahit naman abala sa buhay si Rufa, ay naglalaan siya ng sapat na oras upang makasama at makabonding ang kanyang unica hija na si Athena. At kamakailan nga, ay tampok sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ang kanilang pamamasyal sa mgagandang lugar.

Sa vlog na pinamagatang “The Ritz-Carlton, Half Moon Bay and Pumpkin Picking with Athena | Rufa Mae in the Bay”, ipinasilip ng komedyante ang kanilang masayang pamamasyal. Ipinakita ni Rufa ang hotel na kanilang tinutuluayan na tinawag na The Ritz-Carlton kung saan ay talagang napakaganda at elegante ang disenyo sa loob at labas nito.

Napakaganda rin ng lokasyon ng naturang hotel dahil malapit lamang ito sa dagat. Talaga namang makakapag-relax ng mabuti si Rufa habang nananatili rito.

Makikita na napakaganda ng panahon ng araw na iyon, kaya naman tiyak na mag-eenjoy ang pamilya ni Rufa habang nananatili sa lugar. Una nga nilang ginawa ay nagkaroon ng isang simpleng meryenda gaya ng lobster rolls, pizza, poke rice at chicken breast. Nag-ihaw naman ng marsmallow ang napakacute na si Athena.

Samantala, matapos naman ang bonding moments sa labas ng hotel, ay nagpasya naman ang mag-inang Rufa at Athena na bumalik sa loob ng hotel upang magpahinga. Kinabukasan, habang nasa loob ng hotel ay masayang ipinasilip ng komedyante ang ganda ng tanawing makikita sa loob nito, mula sa lobby hanggang sa spa.

Sa pangalawang araw naman ng kanilang pamamasyal, ay nagpasya ang mag-ina na mag-pumpkin picking. Ngunit, bago magsimula ay nagkaroon muna sila ng isang masarap na almusal.

Matapos mag-almusal ay nagtungo na sila sa lugar kung saan ay magpa-pumpkin picking si Athena. Makikita nga na talagang enjoy na enjoy si Athena habang namimili ng pumpkin.




Sulit na sulit nga ang pamamasyal ng mag-inang Rufa at Athena sa lugar na kanilang pinuntahan. Tiyak na mas lalo pang magiging matibay ang kanilang relasyon bilang mag-ina sa mga susunod na panahong magkasama sila.