Rossana Roces at Bunsong Anak nitong si Onyok, Nagkaayos na Matapos ang Pitong Taong Alitan

Tunay nga na hindi matitiis ng isang ina ang kanyang anak anuman ang mamagitang hidwaan sa kanila. Ito nga ay dahil nangingibabaw pa rin sa huli ang pagmamahal ng isang ina.




Sa gitna nga ng pandemya, kung ang ilan ay puno ng kalungkutan, ang award winning actress na si Rossana Roces ay labis naman ang kaligayahan. Ito nga ay dahil matapos ang halos pitong taong pagkakaroon nila ng alitan ng kanyang bunsong anak na si Dennis Robert Adriano, o mas kilala bilang Onyok, sa wakas ay nagkaayos na rin silang mag-ina.

Photo credits: Rosana Roces | Instagram

Matatandaan na nagkaroon ng matinding away sina Osang at Onyok kung saan dumating sa punto upang itakwil nila ang isa’t isa bilang mag-ina. Ngunit, ang pandemyang nararanasan ngayon ang naging daan nila upang magkaayos.

Photo credits: google.com

Kamakailan nga, ay ibinahagi ni Osang ang pagkakabati nila ng kanyang bunsong anak. Ayon nga kay Osang, ay inaasahan na rin niyang magkakabati nga sila dahil nga sa paglambot ng kanyang puso para mapatawad ang anak. Madalas rin umano niyang isipin ang kalagayan ng kanyang anak, at sa huli nga ay nangingibabaw ang pagmamahal niya rito bilang isang ina.

“Ine-expect ko na papunta na rin doon. Kasi parang lumalambot na rin ako, eh,” sagot ng aktres..Padala ng ganito, padala ng ganyan, dadaan kay Grace (panganay na anak ni Osang). Ang hirap ng may iniisip, lalo pag Pasko. Hindi mo alam kung ano ang kinakain, kung nasaan… yung ganun. Ganun kasi ang ina. Pag sobrang magmahal, sobra ring masaktan. Kesa masaktan ka nang masaktan, bibitaw ka na lang! Cut ties!”




Ibinahagi naman ni Osang ang dahilan ng kanilang upang itakwil ang isa’t isa. Ayon nga kay Osang, ay sinaktan siya ni Onyok ng pisikal kung saan ay halos hindi niya matanggap.

“Sinaktan niya ako, physically. Parang hindi na kaya ng utak ko yon. Hindi kinaya ng puso ko.”

Matapos namang magkabati ang mag-inang Osang at Onyok ay mas lalo naman silang naging close sa isa’t isa.

“Iyan talaga ang nakabuntot nang nakabuntot sa akin. Kasi paborito kong anak yang si Onyok. Maka-nanay talaga yan. Minsan talaga, yung pinakagago mong anak, yon ang pinakamapagmahal. Eight years ng buhay niya, wala ako. Mabuti rin, may natutunan din sila.”

Pagbabahagi naman ni Osang, ay ikinuha umano niya ang kanyang bunsong anak ng mauupahang apartment na malapit lamang sa panganay niyang anak na si Grace. Dahil na rin sa nawalan ng trabaho si Onyok, ay siya umano ang nagdown ng renta para sa apat sa buwan.

Photo credits: Rosana Roces | Instagram

Nagsimula naman raw ang kanilang pagkakabati nang magsimula niyang tulungan ito sa pamamagitan ni Grace. Kay Grace kasi lumalapit si Onyok kapag may kailangan ito.

“Ako kasi, iniisip ko, pandemic, saan tutuloy ito? Walang matirhan. Eh, for a while, kay Grace tumira. So, si Grace, nai-stress. ‘Sige, ihanap mo ng apartment, bayaran ko ng apat na buwan.’ Kahit na sabihin mong walang pumapasok na income, sige na.”

Dahil nga sa naranasang pagsubok sa relasyon nilang mag-ina, naniniwala na ngayon si Osang na napaghihilom ng panahon ang anumang sugat sa puso na dulot ng nakaraan. At ang taong 2020 nga, ang pinakamagandang taong ipinagkaloob sa kanya.

“Nagagamot talaga! Kaya kung sa iba, malas itong pandemic, swerte ko itong 2020. Napakaganda ng 2020 ko, totoo!”