Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Umani ng Paghanga Matapos Mag Handog na Pabahay Para sa Lahat ng Kanilang mga Kasambahay

Malaki ang naging pasasalamat ng kasambahay ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa kanila, ito ay dahil sa biniyayaan nila ang mga ito ng pabahay, na matatagpuan sa isang apartment compound na ipinagawa ni Robin Padilla.




Isa nga sa mga kasambahay nila na nagpa-abot ng pagpapasalamat kana Robin at Mariel ay ang tatlo at kalahating taon na nilang kasama sa bahay na si Yaya Joy, isang midwife.

Photo credits: google.com

“Nagpapasalamat po ako at napunta ako sa pamilya niyo”, ang naging saad ng ani Yaya Jy kay Mariel.

“Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi naming ito mararanasan sa iba.”

“Iba po yung ipinpakita niyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay niyo.”

Photo credits: google.com

Noong ika-15 naman ng Nobyembre, sa mismong pagdiriwang ng ika-1 kaarawan ni Gabriella, ang pangalawang anak ng mag-asawang Robin at Mariel, ay ipinaliwanag ni Mariel, ang naging dahilan nila ng kanyang asawa, upang handugan ng pa-bahay ang kanilang mga kasambahay.

“During the start of pandemic, dito sa amin, we really followed very very strict rules quarantine rules. Talagang no one comes in and out.”

“Talagang we’re very strict with that because we have a little kids. So, talagang maingat kami with everything.

“Another thing na kailangan naming gawin is to limit the exposure of the people na lumalabas at pumapasok sa bahay.

“So that means walang nakakalabas, at nakakapasok, that includes yung mga kasama naming sa bahay.

“Siyempre napakahirap nun para sa kanila, kasi kahit naiintindihan nila, kahit sa simula pa lang in-explain namin sa kanila kung ano yung COVID-19, kung ano yung nangyayari sa mundo, napapanood nila sa news, pero siyempre dahil tao sila, they long for their family.

Photo credits: google.com

“Namimi-miss nila yung family nila, siyempre mag-aalala sila.

“Ang dami-daming nangyayari so mag-aalala sila sa mga pamilya nila.

“And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So Robin decided to take them under his wing.




“There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim family. And for the very firstime, we open the doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff.

“It is because they also sacrificinh so much for their families.”

Photo credits: google.com

“It is because they showed up loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ang pagmamahal din yung ipapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin.”

Photo credits: google.com

Ayon nga kay Mariel, dahil sa nakita nilang kalagayan ng kanilang mga kasamabahay sa panahon ng pandemya, kung saan ay namimiss ng mga ito ang kani-kanilang pamilya, ay napag-isipan ng kanyang asawa, na bigyan ng pabahay ang kanilang mga kasambahay, ito ay bilang pasasalamat na rin nila sa pagmamahal at matapat na paninilbihan ng mga ito sa kanila. At upang mawala na din ang pangamba ng mga ito sa kalagayan ng kani kanilang nga pamilya.