Richard Gomez, Napacomment sa IG Post ng Kanyang Asawang si Lucy Torres ng Makita niya ito “On my way home, honey!!!”

Ang Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez at maybahay nitong si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez, ay bukas na sa publiko ang ipakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa na talagang namang nag-uumapaw sa kasweetan.

Photo credits: Richard Gomez | Instagram




Madalas nga ang mga itong magpalitan ng mensahe at komento sa social media kung saan ay talagang makikita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Makikita rin sa kanilang mga social media ang mga sweet na pagbati sa tuwing may espesyal na okasyon katulad ng birthday. At sa tuwing sasapit naman ang kanilang wedding anniversary, ay talagang punong-puno ng pagmamahal ang mensahe ng bawat isa.

Photo credits: Richard Gomez | Instagram

Dahil dito, hindi nakapagtataka na ang mag-asawa ay kabilang sa mga celebrity couple sa showbiz na hinahangaan ng publiko. At nito lamang ngang araw ng Martes, Nobyembre 24, ay muling naghatid ang mag-asawa ng kilig sa kanilang mga tagahanga at mga netizens.

Ito nga ay matapos mag-post ng 45 taong gulang na si Lucy sa Instagram ng kanyang larawan kung saan makikita ang taglay nitong kagandahan habang nagpapahinga sa dalampasigan. Sa nasabing larawan, ay talagang lumutang ang angking ganda at kaseksihan ni Lucy sa suot na one piece-blue swimsuit na binagayan ng isang pearl necklace.

Nilakipan naman ito ni Lucy ng simpleng caption na:

“A summer in November.”

Photo credits: Lucy Torres Gomez | Instagram

Hindi naman nakaligtas ang post na ito ni Lucy sa kapwa celebrities at inulan ito ng paghanga. Ilan nga sa mga nagbigay ng komento sa post na tanging kagandahan ni Lucy ang sambit, ay ang aktres na si Iza Calzado, stylist na si Liz Uy, ang entrepreneur-author na si Rizza Mananquil-Trillo, at ang doctor of the stars na si Vicki Belo.

Samantala, hindi naman nagpahuli sa pagbibigay ng komento ang 54 taong gulang at napaka-sweet na asawa ni Lucy na si Richard, na talaga namang nabighani ng husto sa kagandahan ng kanyang maybahay. Agaw-pansin nga ang komento nito sa mga netizens at naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga.




“On my way home, honey!!!”, pilyong komento ni Richard.

Samantala, agad namang sumagot si Lucy at sinabi:

“hahaha uli na Dong.”

Photo credits: Lucy Torres Gomez | Instagram

Matatandaan na ikinasal sina Richard at Lucy sa Sts. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc noong April 28, 1998. At matapos lamang ang maikling panahon ay agad na biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang anak na babae na isinilang ni Lucy noong September 8, 2000, at ito nga ay pinangalanan nilang Juliana.