Pinatunayan ng actress-host na si Anne Curtis, na siya pa rin ang nag-iisang “Diyosa” ng kagandahan at kaseksihan, ito ay kahit na siya’y isa ng ganap na “mommy” sa kanyang unang baby na si Dahlia Amelie.
Matatandaan na si Anne Curtis, ay nagsilang sa kanyang panganay na anak, na si Dahlia Amelie, noong buwan ng Marso 2020, sa bansang Australia, kung saan sila namamalagi muna ngayon ng kanyang asawang si Erwan Heussaff.
Samantala, ilang buwan nga matapos ang kanyang naging panganganak, ay ibinahagi na ng It’s Showtime host, ang kanyang “post-baby” body figure, na talaga namang nagpamangha sa marami niyang mga tagahanga, at maging sa mga kapwa niya celebrity mom.
Sa Instagram page ng aktres nito lamang nakaraan, ay nagbahagi si Anne, ng kanyang bagong larawan, kung saan makikita ang kanyang kamangha-manghang “post-baby’ body figure, dahil sa talaga namang tila hindi nagbago ang hubog ng kanyang katawan, at nananatili pa rin ang kanyang kaseksihan.
Photo credits: Anne Curtis | Instagram
Makikita nga sa larawan ng It’s Showtime host ang pagsuot nito ng midriff-baring top na tenernuhan niya ng waisted shorts, kung saan ay ipinakita nito ang kanyang napaka-flat ng tyan na may “abs” pa, at ang kanyang magandang hugis ng mga hita.
Kalakip ng larawan na ito ni Anne, ay ang kanyang caption na;
“Finally, some [sun emoji] and [water emoji]”,
Photo credits: Anne Curtis | Instagram
dahil sa ang naturang larawan ay may background na karagatan at makikita rin ang magandang pagsikat sikat ng haring araw.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na nakakita ng larawan na ito ng actress-host ang mapa-wow at mamangha sa nakitang kaseksihan pa ring taglay nito, 8-buwan matapos nga nitong manganak.
Karamihan sa mga naging komento, ay ang salitang “Parang di nanganak”.
Photo credits: Anne Curtis | Instagram
Maging mga kapwa artista ni Anne sa showbiz, ay ikinamangha rin ang nakitang “post-baby” body figure nito, katulad lamang nga nina Solenn Heussaff, Sarah Lahbati at Jessy Mendiola.
Samantala, hanggang ngayon ay nasa Australia pa rin si Anne, kasama ang kanyang asawang si Erwan at anak nilang si Dahlia Amelie, ito ay dahil na rin sa pagkakaroon ng pandemya sa ating bansa.
Kamakailan lamang din sa naging panayam ni Toni Gonzaga kay Anne Curtis sa programang “I Feel You”, ay ibinahagi ng actress-host kung ano ang mga naging “experience” niya sa pagpapalaki sa kanyang anak, sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya.
Photo credits: Anne Curtis | Instagram
Ayon nga kay Anne, dahil sa pandemya ay marami siyang mga memories sa anak, lalo na’t nasubaybayan niya ang lahat sa paglaki nito, kung saan lahat ng “first time” nito ay kanyang nasaksihan.
Ibinahagi rin ng It’s Showtime host, kung paanong tumibay pa lalo ang relasyon nila ng kanyang asawang si Erwan, mula ng dumating sa buhay nila ang anak nilang si Dahlia Amelie.