“Para hindi sila maging matapobre”: Manny Pacquiao, Ibinahagi na Nais Niyang Matutunan at Maranasan ng Kanyang mga Anak Ang Hirap ng Buhay

Hindi maikakaila na ang sipag, tiyaga at pagpupursige sa buhay ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao ang nagdala sa kanya sa tinatamasang tagumpay ngayon. At ang tagumpay at marangyang pamumuhay na meron siya, ay siya ring tinatamasa ng kanyang pamilya.




Ngunit, sa kabila ng marangyang pamumuhay, inihayag ng Pambansang Kamao na nais niya at ng kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao na maranasan ng kanilang mga anak ang hirap ng buhay. Sa katunayan nga nito, kahit na may mga kasambahay na sila sa loob ng kanilang tahanan ay tinitiyak ng mag-asawa, na matutunan ng kanilang mga anak ang mga gawaing bahay.

“Tinuturuan namin sila ng mga gawaing bahay, ‘yung mga ginagawa ng mga naghihirap na tao.”

Samantala, ibinahagi rin ni Manny ang desisyon nilang ibalik sa kanilang bayan ng GenSan ang kanilang mga anak upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Ayon nga kay Manny, ay doon mag-aaral ang kanyang mga anak upang maranasan ng mga ito ang hirap ng buhay kung saan ay walang aircon ang pinapasukang paaralan.

“Doon sila nakapag-aral ng dalawang taon para ma-experience nila yung buhay ng mahihirap. Doon sila nag-aaral sa walang aircon na school for two years.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na bago pa man marating ni Manny ang tinatamasang tagumpay ay nagmula siya sa hirap. Kaya naman, malaki ang pagnanais niya na maranasan ng mga ito ang hirap na kanilang pinagdaanan, nang sagayon ay lumaking mapagkumbaba at mabubuting tao ang kanyang mga anak na kung saan ay hindi ang mga ito maging matapobre.

“Gusto ko kasi talaga na ma-experience nila, ma-realize nila na ang buhay ay hindi lang puro sarap dahil yung kinagisnan nila masarap na, e. Pero yung pinagdaanan namin, gusto ko ma-realize nila para pagdating ng araw, hindi sila matapobre. Gusto namin sila maging compassionate and helpful to others. ‘Yan ang gusto ko sa kanila.”

Dagdag pa ni Manny, ay masaya siya sapagkat ang bawat bagay na itinuturo niya sa kanyang mga anak ay nagagawa ng mga ito ng tama. Bagay na talagang dapat ipagmalaki ni Manny dahil habang lumalaki ang kanyang mga anak ay mas lalong nagiging magalang at masunurin ang mga ito.




“God is good naman, mababait naman silang lahat, nirerespeto kami, at sumusunod sa kung anong advice namin sa kanila.”

Tunay nga na maganda ang pagpapalaki ni Manny at Jinkee sa kanilang mga anak. Bukod nga sa talagang mapagkumbaba ang bawat isa, ay kahanga-hanga rin ang pagiging mabuting tao ng mga ito. Hindi nga nakapagtataka na anuman ang buhay nila ngayon, ay nakatatak pa rin sa kanilang puso’t isipan ang hirap na pinagmulan at naranasan ng kanilang ama na si Manny. At ang bagay na ito ay talagang pinapahalagahan ng kanilang pamilya.