Paolo Contis, Lj Reyes Ibinahagi ang Kanilang Naging Masayang Out-Of Town Bonding Kasama ang Kanilang mga Anak na Sina Aki at Summer

Sa nakalipas na ilang buwan, ay talaga namang marami sa atin ang hindi nagawang lumabas sa kani-kanilang mga tahanan, ito ay dahil sa naging protocol ng ating gobyerno ng magsimula ang pagkalat ng [email protected] dito sa ating bansa.

Ngayon nga ay unti-unti ng lumuluwag ang mga protocols na ito , dahil sa nakikita na ng ating gobyerno na natutuhan na ng mga kababayan natin kung paano aalagan ang kanilang sarili upang maiwasan ang sakit na kumakalat sa ating bansa.




At dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng kaso, ay unti unti na ngang nagkaroon ng pagbabago sa mga quarantine guidelines at procedures na ipinatutupad. Mapapansin na ngayon ay mas naging maluwag na, kung saan ay nakakapasyal na ang mga mamamayan sa mga lugar na nais nilang puntahan.
Isa na sa mga ito ay ang magpapamilya na si Paolo Contis, LJ Reyes at ang kanilang mga anak na sina Aki at Baby Summer, kung saan ay noong nakaraang weekend ay masayang nag-bonding ang magpamilya.

Sa IG post ng aktor, ay makikita ang naging pagbabahagi ng naging masayang bonding nilang mag-anak, at kalakip nito ay ang kanyang caption post kung saan ay sinabi niya ang sobrang silang nag- enjoy sa kanilang naging pamamasyal.

“Last, weekend, 1st time nilang makalabas ng, makalanghap ng fresh air, maka lakad sa bundok na putikan simula nung nag lockdown! Umuwi kaming sobrang pagod, pero sobrang saya!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Ayon pa kay Paolo, simula naglockdown ay talagang hindi na sila lumabas pa ng kanilang tahanan, at ang naging pamamsyal nga nila nung nakaraang weekend ang first time nilang naging paglabas sa kanilang bahay, kaya naman talagang super inenjoy nila ang sariwang hangin na kanilang nalanghap.




Makikita nga sa larawan nina Paolo at LJ, pati ni Summer at Aki, ang sobrang kaligayahan sa kanilang naging bonding. Ilan nga sa kanilang ginawa ay ang maglaro sa putikan, na kahit narumihan ay makikita namanna talagang nag-eenjoy sila.

Ibinahagi naman ni Paolo, na sobra ang saya niya, lalo pa’t nakita niya kung gaano kasaya si Lj at ang mga bata Napagod rin umano ang ito, kaya naman ng sila’y pauwi na ay nakatulog na ang mga ito, habang siya ay nagmamaneho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Nagbigay paalala rin ang aktor , na sa kabila ng kahirapan at pagsubok na ating pinagdaraanan ngayon, ay piliin pa rin natin ang magpasalamat sa mga simple at maliliit na bagay na ating natatanggap sa ating mga buhay.

“They we’re sleeping, why I was driving… My heart was full. . It was a good day! Just reminding everyone to always be thankful. Kahit mahirap ang buhay, there’s always something to be thankful for!! Wala lang! Senti ako ngayon! Walang pakialamanan!, ang naging pagbabahagi nga ni Paolo.