Sa araw ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan, isa sa mga tradisyon na ating nakasanayan, ay ang magiging pagsakay ng “bride”, sa kanyang sasakyan “bridal car”, na maghahatid sa kanya sa simbahan, kung saan sila ikakasal ng kanyang “groom”.
Karamihan sa mga kasalan, ang kanilang ginagamit na masasakyan para maging “bridal car” ng ikakasal, ay mga kotse. Kaya naman ang ilan, ay talagang nag-aarkila pa ng mga mga sasakyan, lalo na kung sila’y wala namang pagmamay-aring kotse.
Ngunit sa panahon natin ngayon, ay talaga namang marami na ang nagiging praktikal sa buhay, kung noon ay halos pabonggahan ng kasal, ngayon ay marami na ang mas pinipili ang magkaroon ng simple at napaka-intimate na kasal.
Maliban pa nga rito, ay marami na rin sa mga ikinakasal ngayon, ang mas gumagamit ng mga bagay, na kaya lamang ng kanilang “budget”, para sa kasal, kaysa naman ang gumastos ng sobra at napakamahal.
Tulad na lamang, ng magkasintahan na nag-viral kamakailan lamang, dahil sa kanilang ginawa noong araw ng kanilang kasal.
Nag-viral sa social media, ang kasal ng magkasintahan, matapos maibahagi na ang kanilang naging “bridal car”, ay isang pampasehong jeep, na pumapasada sa UP at Quezon City.
Ang nagbahagi sa social media, ng post naito kung saan ay makikita ang isang jeep na naging bridal ng magkasintahang ikinasal, ay ang mismong driver at nagmamay-ari ng jeep na kinilalang si James Abao, residente ng Quezon, City.
Photo credits: News5
Sa Facebook post na ito ni James, ay ibinahagi niya kung ano anong ginawa nila, upang mag-tansform ang kanyang pampasaherong jeep, sa isang ‘perfect bridal car’. Ibinahagi rin ni James, kung gaano kalaking tulong sa kanila, ang naging pagrenta sa kanyang jeep.
Photo credits: News5
“Na post ko siya, kasi usual na makakakita tayo ng mga simpleng bagay na i-aappreciate… mga simple na pwede palang maging maganda.. simple pero may tatak…”, ang naging saad ni James.
Ayon pa nga kay James, ngayong panahon ng pandemya, kung saan ay talaga namang matumal ang sumasakay sa mga pampasaherong jeep, ay napakalaking tulong para sa kanya, kapag ito’y inaarkila.
Dagdag pa ni James, masaya siya na makita ang kanyang jeep na ginamit sa kasal, ito ay dahil sa ang jeep ay isa sa mga sumisimbolo sa kultura nating mga Pinoy.
Photo credits: News5
Samantala, ayon naman sa bride, na sumakay sa jeep na ginawang “bridal car” na si Sharmaine Jo G. Arellano – Vidal, espesyal sa kanya ang mga jeep na byaheng UP- Ikot, ito ay dahil sa ito ang kanyang madalas na sinasakyan, noong nag-aaral pa siya.
Kaya namn okay na okay lang sa kanya, na ito ang kayang naging bridal car, na naghatid sa kanya sa simbahan noong araw ng kanyang kasal.
Photo credits: News5
Naging isang “perfect bridal car” nga nag pampasaherong jeep na ito, sa tulong ng ina mismo ng bride, kung saan ay ito ang nag-ayos at nagdisenyo sa jeep. Ilan sa mga ginamit na disenyo sa pampasaherog jeep ng in ani Sharmaine, ay mga naggagandahang mga bulaklak, at mga kurtina na kulay puti.
Photo credits: News5
Ayon pa nga kay Sharmaine, ay dalawang oras ang ginugol ng kanyang Mama, para maayos at mapaganda ito.
“Komportable po ako sa loob ng jeep, plus super excited kasi ang ganda ng pagkaka-ayos ng Mama ko sa loob at labas ng jeep. Proud din kasi pinagtitinginan siya ng mga tao.”, naging saad pa ng ani Sharmaine.
Patunay nga lamang ito, na sa kahit anong paraan ay makakagawa tayo ng alternatibo, kung saan ay hindi na natin pa kinakailangan gumastos ng napakamahal at bongga. Tulad ng ng alternatibong ginawa ni Sharmaine at kanyang kasintahan, upang mas nakatipid sila.