“Pamilya Muna Bago Trabaho”, Janno Gibbs Nagbakasyon Kasama ang Pamilya sa Balesin Island, Trabaho Time-out Muna Para sa Actor-Singer

Sa kabila ng pagiging abala ng actor-singer na si Janno Gibbs, ay hindi nito nakakalimutan na palaging magbigay ng oras sa kanyang pamilya.

Batid natin na hanggang ngayon ay isa pa rin si Janno Gibbs, sa mga aktibong aktor at singer sa industriya ng showbiz, maliban pa rito ay pinasok na rin niya ang pagiging host kung saan ay kabilang siya ngayon bilang co-host sa bagong noontime variety show na “Happy Time”. Ang nasabing variety show ay nagsimulang umere noong ika-14 ng Setyembre,at mapapanood ito sa channel na Net25.




Kahit pa nga may bagong noontime show na pinagkaka-abalahan, sinisigurado naman ni Janno Gibbs, na mayroon pa rin siyang oras at panahon para makasama at maka-bonding ang kanyang pamilya.

Nito ngang ika-30 ng Setyembre ay nagtime-out muna si Janno sa kanyang trabaho, upang magbigay oras na makabonding ang kanyang pamilya. Kasama ang kanyang asawang si Bing Loyzaga, at dalawang anak na sina Gabriella at Alysaa, ay masaya ngang nag-gateway bonding ang pamilya.

Sa isang maganda at eksklusibong resort sa Balesin Island, na matatagpuan sa Quezon City, naisipan magtungo ng pamilya, ito ay upang ma-enjoy at talagang masulit nila ang panahon na sila’y magkakasama.

Makikita naman sa nasabing resort na pinutahan ng pamilya na talaganag napakaganda rito, at nakaka-relaks, kaya naman talagang mapapansin sa mga larawan ng mag-anak, na super enjoy at saya ng kanilang naging bonding at family gateway.

Marami naman sa mga netizens ang talagang natuwa at nagbigay ng kani-kanilang komento at reaksyon sa masayang bonding moments ng pamilya Gibbs.




“The gibbs away, love the whole fam”
“You so bless to have a family always together in every happy moments.. keep safe”
“Wow naman idol, What a cute and blessed family”
“Love this family photo of yours! Such a lovely family.. God bless!”
“Happy family, ganda ganda ng 3 mag-iina… xmpre gwapo ang jano namin”

Sa panahon nga naman ngayon, sa kabila ng pagiging abala natin sa ating mga trabaho, ay kinakailangan pa rin na maglaan tayo ng oras ay panahon na makapag-relaks, kalimutan ang stress at mag-enjoy kasama ang ating minamahal na pamilya.