Pamilya Kramer, Surpresang Ipina-Renovate ang Bahay ng Kanilang Kasambahay na si Yaya Joy

Ang pamilya ng Team Kramer, ay kilala sa mga endorsement na kanilang ginagawa na madalas nating napapanood sa ating mga telebisyon. Maliban pa nga rito, ay kilala rin ang pamilya Kramer, sa pagkakaroon nila ng YouTube channel, na napakarami na ring mga subscribers, na sumusubaybay sa kanila.




Ang team Kramer, ay kinabibilangan ng limang miyembro ng pamilya kung saan ang haligi nito ay ang isa sa mga kilalang basketbolista na si Doug Kramer. Si Cheska Garcia -Kramer naman ang ilaw ng tahanan ng pamilya, na kilala naman sa mundo ng showbiz bilang isang teen doll.

Photo credits: teamkramer | Instagram

Mayroong tatlong anak ang mag-aawa na nagbibigay kasiyahan sa kanilang pagsasama, at ito ay sina Kendra, Scarlet at Gavin.

Photo credits: teamkramer | Instagram

Samantala, itinuturing na ring miyembro ng pamilya ng Team Kramer ang kanilang mga kasambahay, kaya naman noong nagpagawa sila ng napakaganda at napakalaking bahay sa Laguna, ay hindi nila nakalimutan na bigyan ng sariling lugar ang kanilang mga kasambahay, kung saan ay mayroonn itong sariling mga kwarto at living room para sa mga ito.

Photo credits: google.com

Matatandaan rin na, ibinahagi noon ng Team Kramer, ang naging pagbili nila ng automatic washing machine para magamit ng kanilang mga kasambahay, ito ay upang mapadali ang gawain nito, lalo na sa paglalaba.

Hindi nga lamang ito ang magandang ginawa ng Team Kramer para sa kanilang kasambahay, dahil kamakailan lamang ay itinampok nila sa kanilang YouTube channel, ang naging sorpresa nilang pabahay para sa isa nilang kasamabahay, at ito ay si Yaya Joy na matagal dahil sa naging matagal na nitong paninilbihan sa kanila.

Photo credits: google.com

Ayon sa Team Kramer, ipina-renovate nila ang bahay ni Yaya Joy sa probinsiya, ito ay bilang pasasalamat sa kanilang butihing yaya.

Photo credits: google.com




Photo credits: google.com

Kwento ng Team Kramer, matagal ng pangarap ni Yaya Joy na maipaayos ang kanilang bahay sa probinsiya, kung saan mula ng pumasok ito sa kanila ay talaga namang pinag-iipunan na nito ang magiging pagpapa-ayos ng bahay. Ito ay dahil sa nais ni Yaya Joy, na maging kumportable ang nanay at anak nito.

Photo credits: google.com

Sa naging pagpapa-renovate ng Team Kramer ng bahay ni Yaya Joy, ay talaga namang hindi naitago ng kasambahay ang kanyang kasiyahan, at lubos ang naging pasasalamat nito sa pamilya na kanyang pinagsisilbihan.

Dahil sa ngayon na nakita n ani Yaya Joy na maayos na ang kanilang tahanan, ay mas mapapanatag na siya sa kalagayan ng kanyang ina at anak sa probinsiya.