Newly Mom na si Ryza Cenon, Ibinahagi ang Kanyang Pinagdaraanang Hirap sa PagpapaBreastfeed sa Kanyang Newborn Baby

Kamakailan nga lamang ng isilang ng aktres na si Ryza Cenon ang kanyang baby boy na pinangalanan niyang si baby Knight.

At bilang isang newly mom, sa kanyang newborn baby, ay inamin ng aktres, na “struggle is real” lalo na sa pag-breastmilk kay baby Knight.




Sa Instagram account ng aktres, ay kanyang ibinahagi ang naging struggle niya bilang firt time mommy, at ito nga ay ang pagbibigay ng breastmilk sa kanyang baby, dahil sa hindi sapat dito kanyang breastmilk para rito.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Kasabay ng pagbabahagi ni Ryza ng struggle niya sa pagkakaroon ng sapat na breatmilk para kay baby Knight, ay pinasalamatan rin niya ang kaibigan at kapwa mommy niya na si Charice Solomon, dahil sa binibgyan siya nito ng breastmilk na ipinapadede niya kay Baby Knight kapag ito’y nakukulangan sa gatas na nakukuha sa kanya.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Narito nga ang naging pagbabahagi ni Ryza ng kanyang struggle bilang newly mom;

“As a first-time mom minsan nakaka frustrate ‘yung wala kang maibigay na gatas, kahit gusto mong magbreastfeeding kay baby Knight.”
“Buti nalang andiyan si @charice_solomon para matulungan ako sa breastmilk. Super Thank you missy.”

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Makikita naman sa comment box ng post ni Ryza, ang naging pagsagot ni Charice Solomon sa mensahe niya ng pasasalamat para rito.

“Missy, ‘wag ka masyado ma-stress!!! I love you!!!!”, ang naging saad ng ani Charice.




Matatandaan na noong ika-1 ng Hulyo 2020 ng masayang ibalita ni Ryza Cenon sa publiko na siya ay nagdadalang-tao, at ang ama nito ay ang kanyang nobyo na si Miguel Antonio Cruz, na isang cinematographer.
Ika-31 ng Oktubre 2020 naman ng isilang ni Ryza si baby Knight, kung saan ay ibinahagi rin agad ng aktres sa publiko, kung gaano kahirap ang manganak, ngunit napaka-worth it kapag nakita na ang sanggol na isinilang.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

“Napakahirap, pero lahat worth it”, ang naging saad ng ani Ryza Cenon, ng isapubliko niya na siya ay nagsilang na.

Samantala, si Charice Solomon naman ay nagsilang ng kayang ika-3 anak, noong ika-unang Linggo lang din ng Oktubre 2020, kung saan ay isa rin itong baby boy, na pinangalanan naman nila ng kanyang asawa na si baby Andreas.

Photo credits: Chariz Solomon | Instagram