Napakagandang Bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo Nagmistulang Isang Malaking Christmas Gift, Hinangaan ng mga Netizens

Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay iba’t ibang paraan ang ginagawa nating mga Pinoy para maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang ating pamilya. Ang ilan nga ay naglalagay ng naggagandahang dekorasyon sa loob at labas ng tahanan bilang paghahanda sa pagsapit ng araw ng pasko.




Kung ang ilan nga, ay pinapaganda ang kanilang tahanan gamit ang Christmas tree, at makukulay na Christmas lights, isang kahanga-hangang pakulo naman ang ginawa ng aktor at TV Host na si Paolo Ballesteros sa kanyang bahay.

Photo credits: Paolo Ballesteros | Instagram

Tila nga napaaga ang kapaskuhan sa Antipolo kung saan naninirahan si Paolo, at agad naghatid ng saya at goodvibes ang TV Host sa kanyang mga kapitbahay dahil sa napakagandang disenyo ng kanyang bahay na nagmistulang isang malaking Christmas gift.

Photo credits: Paolo Ballesteros | Instagram

Ngunit, hindi lamang mga kapitbahay ang mga napahanga ni Paolo kundi ang mga netizens. Ito nga ay matapos ibahagi ni Paolo sa Instagram ang disenyo ng kanyang bahay..Pagsapit nga ng umaga, masisilayan ang napakagandang bahay ni Paolo na may nakapalibot na kulay pulang laso sa itaas na bahagi nito. Kung pagmamasdan nga, ay aakalain na isa itong malaking regalo.




Pagsapit naman ng gabi, ay kahanga-hanga rin ang tanawing hatid nito. Dahil mula nga sa kulay pulang laso, ay kumikinang naman ang mga ilaw na makikita rito tuwing gabi na talagang napakagandang tingnan dahil sa fairy lights.

“Pasko na sa Antipolo”,

caption sa post ni Paolo na marami ang napasaya.

Nakakatuwang isipin na naging malikhain si Paolo upang maging maganda at makulay ang kanyang bahay, kasabay nga nito ay nakapaghatid pa siya ng saya sa sinumang makakakita ng kanyang bahay. Sa kabila nga ng nararanasang kalungkutan sa gitna ng pandemya, ay nakapag-isip ng paraan si Paolo upang maibsan ang nadaramang kalungkutan.

Photo credits: Paolo Ballesteros | Instagram

Narito ang ilang komento ng mga netizens.

“Brilliant idea….. We need something like this to brighten the gloomy days we’re facing.”Komento naman ng isa.”
“Grabe parang isang malaking regalo na yung bahay n’yo kuya Pao. Pwede mangarolling?”

Tunay nga na kahit anumang pagsubok ang kaharapin ay mangingibabaw parin ang diwa ng kapaskuhan. At isa nga sa binibigyan ng kaligayahan tuwing sasapit ang pasko ay ang mga bata. Na kung saan ay hindi maitago ang pagkasabik na matanggap ang kanilang regalo sa araw ng pasko. Napakasarap naman talagang ipagdiwang ang pasko, na nagsisimbolo ng saya at pagmamahalan.