Hindi maikakaila na perfect couple ang magkasintahang sina Sofia Andres at Daniel Miranda na bagay na bagay sa isa’t isa. Napakaganda naman talaga ng aktres na si Sofia, at napakagwapo rin ng nobyo nitong car racer na si Daniel. Kaya naman, hindi nakapagtataka na biyayaan sila ng isang napakaganda at napakacute na anak, na talagang namana ang kanilang magandang katangian.
Photo credits: iamsofiaandres | Instagram
Siya nga si Baby Zoe, na ipinanganak ni Sofia noong November 24, 2019, habang siya ay nakabakasyon mula showbiz sa Sydney, Australia. Naging usapan ang pagbubunyag ni Sofia sa kanyang pagkakaroon ng anak sa kanyang nobyo dahil sa pagtatago niya sa publiko habang ipinagbubuntis ang anak.
Photo credits: iamsofiaandres | Instagram
Ang pagdating nga ni Baby Zoe sa kanilang buhay ay maituturing na biyaya. Kaya naman, bukod sa sayang hatid ng munting anghel sa pamilya, ay proud na proud rin si Sofia sa kanyang anak bilang first time mom.
Kamakailan nga, ay proud na ibinahagi ng young mom na si Sofia ang isang nakapacute na kuha ng larawan kanyang mag-amang si Daniel at Baby Zoe. Makikita sa larawan na tila may pinapanood ang mag-ama, dahil seryosong-seryoso ang mukha ng mga ito sa kanilang pinagmamasdan.
Photo credits: iamsofiaandres | Instagram
Kinagiliwan ng mga netizens ang nasabing larawan, na talaga namang humanga sa mag-ama.
“Beautiful family. Zoe is a li’l version of her father, so cute,”
saad nga ng isang netizen na kinumpara ang cute na mukha ni Baby Zoe sa ama nito.
Photo credits: iamsofiaandres | Instagram
May isa pang netizen ang nagsabi na talagang kahawig umano ni Baby Zoe ang ama, na tila pinagbiyak na bunga ang mga ito.
“So beautiful, copy paste talaga… and super ganda pa ng mommy @iamsofiaandres perfect family.“Gandang bata, mana kay daddy.”
Tila nga isang perpektong pamilya ang pamilya ng Kapamilya aktres na si Sofia Andres, dahil sa kanyang mag-ama. Isang mapagmahal na nobyo, at isa namang napakacute na munting anghel na nagbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.
Photo credits: iamsofiaandres | Instagram
Makikita naman sa social media, na punong-puno ng saya at pagmamahal ang pagsasama ng magkasintahan. Minsan na ngang ipinahayag ni Daniel ang pagmamahal niya sa aktres na si Sofia sa isang post.
“I’m so proud of you, love, such a strong and beautiful girl. I’ll be here for you and Zoe always.”
Photo credits: iamsofiaandres | Instagram
Sa ngayon ay wala pang planong magpakasal ang magkasintahan dahil inuuna pa ng dalawa ang landas na kanilang tinatahak. Si Daniel ay abala sa kanyang pag-aaral, samantalang si Sofia naman ay patuloy ang pagiging isang artista sa showbiz.