Nag-Viral Noon na “Pabebe Girl” na si Michelle Alfonso Muling Nasilayan sa Telebisyon Makalipas ang Limang Taon

Limang taon na ang nakaraan ng maging viral at “talk of the town” ang “Pabebe Girls”, kung saan ay dito unang nasilayan ng publiko ang 11-taong gulang pa lamang noon na si Michelle Alfonso.

Matatandaan na si Michelle Alfonso, ay isa sa dalawang kabataan na nakatikim ng panandaliang kasikatan, noong buwan ng Hulyo taong 2015 matapos nilang mag-viral ng kaibigan niyang si Janet Ricabo, sa kanilang ginawang video.

Photo credits: google.com

Dahil sa talagang kinaaliwan noon ng marami ang “Pabebe Girls” video na ito nina Michelle, ay maging mga showbiz personalities ay nag-impersonate at gumawa ng parody nito, tulad na lamang nga nina Kim Chiu, Alex Gonzaga Maine Mendoza at Wally Bayola.

Sa naging kasikatan pa noon nina Michelle at kaibigan nitong si Janet, ay naranasan pa nilang magkaroon ng TV guesting sa ilang mga programa sa telebisyon, gaya na lamang sa Kapuso Mo Jessica Soho, Rated K, ASAP, Celebrity Bluff, Tunay na Buhay, at Gandang Gabi Vice.




Samantala, isa sa talagang napansin ng publiko kay Michelle noon ay ang manipis nitong mga kilay, na naging dahilan din upang maging biktima ito ng mga “bashers” at makaranas ang dalaga noon ng diskriminasyon.

Hindi naman nagtagal, matapos ang ilang buwan ng pagkakaroon ng milyong milyong viewers ng “Pabebe Girl”, ay tumamlay na ito sa paningin ng mga tao.

Ngayon nga, kung saan ay halos limang taon na ang nakakalilipas ay muling nasilayan ng publiko sa telebisyon si Michelle Alfonso. Ito ay matapos nitong lumabasa sa “Bawal Judgmental” na segment ng Eat Bulaga GMA-7, noong araw ng Sabado, ika-14 ng Nobyembre 2020, kung saan ay isa ito sa mga pagpipiliang choices ni Eula Valdez.

Photo credits: google.com

Dahil naman sa mas dalaga na si Michelle Alfonso ngayon sa edad nito na 16-taong gulang na, ay mas marunong na ito mag-ayos ng kanyang sarili, kaya naman sa kanyang hitsura ngayon ay hindi agad ito nakilala ng mga netizens. Mas napansin rin sa dalaga, na mas kumapal na ang kilay nito, at ito nga umano ay sa tulong ng eyebrow pencil na kanyang ginagamit.

Ibinahagi naman ng dalaga, na hanggang ngayon naman ay sadyang manipis pa rin ang kanyang kilay, ngunit sa kabila nito, ay hindi na siya nagpapa-apekto sa mga taong namba-bash sa kanya, dahil sa pagkakaroon niya ng manipis na kilay.

Photo credits: google.com

“Manipis pa rin po ang kilay ko pero hindi na ako affected ng mga bashing. Normal na lang po sa akin”, ang naging saad nga ni Michelle.

Photo credits: google.com

Maaalala pa nga na noon ay pangarap na talaga ni Michelle na makapasok sa industriya ng showbiz, ngunit ito nga ay hindi natuloy. At ngayon, ay hindi pa rin umano nababago ang pangarap na ito ni Michelle, dahil nais pa rin niya mag-showbiz, kung may magma-manage sa kanya.

Photo credits: google.com

Nang kamustahin naman sa dalaga, ang kaibigan nitong si Janet na kasama niya sa video noon, ay sinabi nito na matagal na silang hindi nagkikita ng kaibigan dahil sa ito’y may asawa’t mga anak na.




Kwento pa ng ani Michelle, hanggang ngayon ay patuloy niyang pinapanood sa YouTube ang mga naging Tv Guesting nila noon, ito ay dahil sa talagang gusting gusto niya magbalik telebisyon at maging isang artista.

Ibinahagi naman ni Michelle, ang kanyang planona gumawa ng sariling YiuTube channel, at umaasa umano siya na muli itong tatangkilin at papanoorin ng mga manood, tulad ng nangyari sa video nila noon na “Pabebe Girls.”