Connect with us

Entertainment

MUP 2020 Rabiya Mateo, Malaking TV ang Unang Binili sa Perang Napanalunan para Hindi na Makinood ang Ina sa Kapitbahay

Ilang Linggo mula ng tanghaling Miss Universe Philippines 2020 si Rabiya Mateo, ay muli na itong nakabalik sa kanyang probinsiya sa lungsod ng Iloilo, nito lamang araw ng Huwebes, ika-12 ng Nobyembre.

Naging mainit ang pagtanggap ng kanyang mga kababayang Ilonggo sa muling pagbabalik ni Rabiya Mateo sa probinsiya, ito nga ay matapos siyang hirangin na MUP 2020.




At sa ginanap ngang “Homecoming event” para sa kanya, ay talaga namang maraming mga kababayan niya ang sumalubong sa kanya, na pinangunahan ng alkalde ng kanilang probinsya na si Mayor Jerry Treňas.

Samantala, pagdating na pagdating ni MUP 2020 Rabiya Mateo sa Iloilo, ay agad rin itong bumili ng isang malaking TV set, kung saan ayon sa beauty queen, ay ito ang kauna-unahang bagay na binili niya mula sa perang kanyang napanalunan at ito nga ay magiging handog niya para sa kanyang mapagmahal at “forever supportive” na ina.

Photo credits: google.com

Ayon kay Rabiya, pinili niya ang malaking TV set para sa ina, upang hindi na ito makikinood ng pageant sa kapitbahay.

Photo credits: google.com

Makikita naman sa social media account ni MUP 2020 Rabiya Mateo bago pa it umuwi sa Iloilo, ang kanyang naging pagpost kung gaano siya ka-excite na umuwi sa kanyang bayan.

Photo credits: google.com

“Mapauli na ako Iloilo”, ang naging post ng ani Miss Universe Philippines 2020.




Kalakip pa ng caption na ito ng beauty queen, ay ang hashtag na #PaintIloiloRed, katulad nga ng naging panawagan ng kanilang Alkalde sa Iloilo sa mga residente doon, na nagsasabing kulay pula ang isuot ng mga residente na sasalubong kay Rabiya o di kaya naman ay magdala rin ng pulang banderitas at iba pang kulay pulang bagay, sa araw ng homecoming ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Photo credits: google.com

Narito nga ang naging post ni Mayor Treňas sa kanyang Facebook account noong ika-11 ng Nobyembre, kalakip ang larawan ni MUP 2020 Rabiya Mateo, at ang magiging ruta ng homecoming parade nito, mag-uumpisa sa Richmond Hotel at magtatapos sa Jaro Cathedral.

“We will paint the Iloilo red.”

“Let us show the Ilonggo’s power by wearing red. It is a day to celebrate and be proud of being an Ilonggo.”, ang naging saad ng Alkalde.

Hindi naman nagtagal sa Iloilo si Rabiya, dahil isang araw lang ito sa nasabing Probinsiya at agad ring bumalik sa Maynila, kung saan niya ipinagdiwang ang kanyang ika-24 taong gulang na kaarawan noong ika-14 ng Nobyembre, araw ng Sabado.

error: Content is protected !!