Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Personal na Nagtungo sa Tuguegarao Para Mamahagi ng Tulong sa Mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses

Sinisimulan na ng bagong hirang na Miss Universe Philippines ang naka-antang tungkulin sa kanya, at ang isa nga sa mga ginawa na nito, ay ang ang pakiki-isa at pagbibigay tulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong Ulysses sa Tuguegarao.




Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Matatandaan na nito lamang buwan ng Nobyembre, ng magdiwang ng kanyang ika-24 taong gulang na kaarawan ang bagong hirang na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo. At kasabay nga nito, ay ang naging pag-launched ng beauty queen ng kanyang “donation drive” para sa mga kababayan natin na lubhang nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.

“Tomorrow will be my 24th birthday but I cannot be fully happy knowing some victim some victims of Typhoon Rolly and Ulysses have nothing to eat or wear.”

“To all Ilonggos, I’m asking for your support in my donation drive in my birthday in any kind. In the darkest moment, don’t be afraid to be a helping hand to those who needed in the most”

ang maikita ngang post ni Rabiya Mateo sa kanyang Instagram account.

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Ilang araw, matapo ang kanyang kaarawan, at pag-launched ng kanyang donation drive, ay lumipad patungong Tuguegarao City sa Cagayan si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo upang personal na mag-abot ng tulong sa ating mga kababayaan roon na nasalanta ng bagyo, at kamustahin na rin ang kalagayan ng mga ito.

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

Ang Tuguegarao City, ang isa sa mga bayan sa Cagayan, na lubhang nalubog sa baha ang mga kabayan ng mga residente, kaya naman marami sa mga ito ang humihingi ng tulong, upang muling makabangon.

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram




Samantala, apat na lugar nga sa Cagayan na labis na nasalanta ng bagyo, ang binisita at pinuntahan ni Rabiya at ng grupo nito, upang makapagbigay ng tulong.

“One day. Four different towns. Same goal. One heart”,

Photo credits: Rabiya Mateo | Instagram

ang naging caption nito sa larawan na ibinahagi sa kanyang IG account, kung saan ay makikita nag naging pamamahagi nila ng relief packs.
Pinasalamatan naman ng beauty queen, ang lahat ng mga nag-abot ng donasyon sa kanyang “charity effort”, kung saan ay sinabi nito na ang nalikom nilang donation drive ay umabot na sa P250,000.

Ibinahagi naman ni Rabiya, na ang susunod na mga lugar na kanilang pupuntahan upang makapagbigay ng mga relief packs, ay ang mga lugar sa Metro Manila, na nakaranas din ng matinding pananalasa ng bagyong Ulysses.