Mga Netizens, Namangha sa Kulay Asul na Tubig Bahay sa Isang Lugar sa Laguna Noong Kasagsagan ng Bagyong Ulysses

Marami ang napamangha sa naging pagbaha sa isang lugar sa Laguna, paano ba naman, imbis na pangkaraniwang kulay ng baha na kulay “brown” ang tubig baha ang dapat ay makita ng mga tao, ay malinis na kulay asul na tubig-baha ang bumungad sa mga tao doon noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Ang naturang lugar nga na ito sa Laguna, ay ang Pakil, Laguna kung saan ay malinis at kulay asul ang tumambas sa mga residente na tubig-baha noong kasagsagan ng bagyo.




Isang residente sa naturang lugar na nagngangalang Loraine Atanzo, ang agad na nagbahagi ng larawan ng naging pagbaha sa kanilang lugar, kung saan nga ay ang tubig ng baha ay makikita na malinis at kulay asul. Agad namang naging viral sa social media ang larawang ito, dahil sa ikinamangha ng mga netizens ang makitang kakaibang kulay ng tubig baha.

Photo credits: Mayor Vince Soriano | Facebook

Photo credits: Mayor Vince Soriano | Facebook

Marami nga ang talagang nagtaka at namangha sa naging kulay ng tubig baha sa Pakil, Laguna, kaya naman aga na nagbigay paliwanag ns Pakil Mayor Vince Soriano, sa dahilan kung bakit ganito ang kulay ng baha sa nasabing lugar

Photo credits: Mayor Vince Soriano | Facebook

Ayon nga sa alkalde ng naturang lugar, na kuha sa larawan na nag-viral, ay kinuhaan sa Malaking Ilog, Barangay Burgos, na ang tubig umano nito ay normal ng malinis dahil sa ito ay nagmumula sa isang bukal. Kilala din ang lugar nilang ito bilang fish sanctuary.

Photo credits: Mayor Vince Soriano | Facebook

“Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural ng malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay natural ng malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort.

Photo credits: Mayor Vince Soriano | Facebook

Deklaradong Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan. Noong humuhupa ang Bagyong Ulysses kahapon, iyan po ang kinalabasan ng baha sa nasabing lugar.”




Photo credits: Mayor Vince Soriano | Facebook

Nagpa-abot din ng pasalamat si Pakil Mayor Vince Soriano kay Lorraine na nagbahagi ng larawan na nag-viral.

“Salamat Ms. Lorraine at ang posts mong ito ng bahang normal ng nararanasan ng mga taga Barangay Burgos ay nagbigay ng mga ngiti sa maraming mga Pilipino”, ang naging saad ng alkalde.