Stories
Matandang Pulubi na Pumanaw, Hinangaan sa Social Media Matapos Matagpuan na May Isang Milyong Dolyar Pala ito na Naipon sa Kanyang Bank Account

Saang lugar man ay marami tayong mga nakikitang tao, na pagala-gala sa lansangan. Ang iba pa nga sa kanila, ay sa mismong kalye na nakatira. Karaniwan nga sa tawag ng mga tao sa kanila ay mga taong-lansangan o pulubi, kung saan ang mga hitsura nila ay talagang kaawa-awa.
Marami sa mga pulubing ito, ang nakikita nating namamalimos sa kalsada, ngunit ang iba naman ay makikita lang natinbna basta nalang nasa isang tabi, at naghihintay lamang na may mag-abot sa kanya ng kahit anumang tulong tulad ng barya o kaya makakain.
Isa sa mga pulubi na nakitang tahimik lamang sa gilid ng kalye, ay ang matandang pulubi na nakilalang si Fatima Othman.
Ayon sa ulat, sa tuwing may dumaraan na tao sa harapan nito, ay hindi niya ito kinukulit na bigyan siya ng kahit ano, kundi nananatili lamang itong nakatingin sa mga ito, at mapapansin ang kanyang mga matang puno ng kalungkutan.
Si Fatima Othman ay natagpuang walang buhay sa isang disabled street beggar, kung saan ay inakala ng mga imbestegador na trahedya lamang ang naging pangyayari sa lugar. Ngunit laking gulat ng mga nakakitang internal security forces ang labi ni Fatima na may hawak na 5 million Lebanese pounds o ($3,400) at ang mas lalo pa ngang nagpagulat sa kanila ay ang makita nila ang isang deposit book nito, na ang laman ay talagang nakakalula dahil sa ito’y mayroong $1-million.
Ayon sa lumabas na imbestigasyon ng Arab news, ang inaakalang pulubi na si Fatima, ay namatay dahil sa heart attack.
“Finding the money and the savings book was a big surprise”, ang naging saad ni Brig. Gen. Joseph Musallen ng makita nga ang milyong per ani Fatima.
Sa naging pagsisiyasat naman patungkol sa buhay ni Fatima, ay napag-alaman na ito ay galing sa bayan Ain AI-Zahab sa Akkar sa hilagang lugar ng bansang Lebanon.
Nang makita ng mga awtoridad ang mga kamag-anak ni Fatima, ay kinuna ng mga ito ang labi ng naturang matanda.
Samantala, napag-alaman naman na kahit ang mga kapamilya ni Fatima, ay waking kaaalam-alam sa kayaman na mayroon ang naturang matanda. At hindi nga umano nito na-enjoy ang kanyang yaman, dahil sa takot nito na maging mitsa pa ito ng kanyang buhay.
