Connect with us

Stories

Matandang Lalaki na Nadapa sa Paghahabol ng Relief Goods, at Naubusan Pa Nito, Nakatanggap ng mas Maraming Tulong Mula sa mga Netizens

Sa naging pagdaan ng Bagyong Ulysses sa ating bansa, ay ilang mga lungsod at probinsya ang talaga namang nasalanta. Pinakamalala nga sa mga ito, ay ang nangyari sa probinsya ng Cagayan at Isabela, kung saan ay halos bubong na lamang ang natatanaw sa maraming kabahayan dahil sa taas ng tubig baha. Napakarami nga naman talagang mga kababayan natin sa nasabing mga probinsiya ng nawalan ng tirahan, maging kanilang kabuhayan.

Matapos nga ang naging matinding pagbaha na idinulot ng bagyong Ulysses, ay hindi naman dito natatapos ang delubyo sa buhay ng ating mga kababayan na labis na nasalanta ng bagyo. Dahil ngayon na halos wala silang kabuhayan, ay gutom at uhaw, naman ang kanilang kinahaharap na pagsubok sa pang araw-araw nilang buhay.




Marami nga sa mga residenteng nasalanta ng bagyo, ang ngayon ay umaasa na lang muna sa mga “relief goods” na ipamamahagi ng gobyerno at ibang mga tulong mula sa iba nating mga kababayan.

Dahil sa sobrang dami ng mga residente na nasalanta ng bagyo, ay talaga namang nag-uunahan ang mga ito na makakuha ng relief goods dahil sa minsan ay hindi ito nagiging sapat sa dami nila.
Samantala, kamakailan lamang ay nagviral mula sa TikTok ang isang video, kung saan ay makikita ang isang matandang lalaki, na nakapanlulumo ang hitsura at madumi ang kanyang mukha.

Kinilala ang naturang matandang lalaki na si Lauriano Anung Pattaui, na kaya ganun ang hitsura, ay dahil sa ito’y nadapa sa paghahabol sa namimigay ng relief goods, ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin ito nabigyan dahil sa siya’y naubusan na.

Isang netizens na kinilalang si Apreil-Jhoiyze naman ang nagmalasakit, at ibinahagi ang TikTok ni @itsmecarlo19 kung saan ay makikita nga ang nakaka-awang kalagayan tatay Lauriano.

Makikita sa video, ang mukha ni tatay Lauriano, na puno ng mga putik at alikabok, dahil sa naging pagkakadapa nga niya, habang hinahabol ang pamamahagi ng relief goods, ngunit hindi niya nga ito naabutan kaya wala din siyang nakuha, na talagang ikinanlumo pa lalo niya sapagka’t wala siyang maiuuwi sa kanyang pamilya.

Nag-viral naman agad sa social media ang video na ito ni Tatay Lauriano, kaya naman, agad ring dumagsa ang tulong para sa kanya, na mula sa mga kababayan natin na nagmagandang loob na magbigay tulong kahit sa simpleng pamamaraan na alam nila.

Sa tulong nga ni Apreil, ay natunton agad si tatay Lauriano ng mga nais tumulong dito. Kaya naman ilan sa mga natanggap nito na tulong ay mga pagkain, at iba pang pangangailangan nilang pamilya. Maging mga kababayan rin natin sa ibang bansa, na nakakita ng viral video na ito ni tatay Lauriano, ay nagpaabot rin ng kanilang tulong para sa naturang matanda at sa pamilya nito.




Nabigo man si tatay Lauriano at nadapa pa para lamang makakuha sana ng relief goods, ngayon ay hindi na niya kailangan pang tumakbo at makipag-agawan, dahil patuloy ang pagbuhos ng tulong sa kanilang pamilya, mula sa ating mga kababayan na may mga mabubuting kalooban.




Si tatay Lauriano at ang pamilya nito, ay isa lamang sa mga libo-libong pamilya ng Cagayan, na labis na naapektuhan ng bagyong Ulysses noong ika-11 ng Nobyembre 2020, ng manalasa ito.
Patuloy naman ang ginagawang aksiyon ng gobyerno upang lahat ng mga residente na lubhang apektado, ay mabigyan agad ng tulong.

error: Content is protected !!