Isang matandang koreano na ang edad ay 76-taong gulang at nagtitinda ng Ramen sa may bahagi ng Las Piňas ang personal na tinungo ng koreanong “It’s Showtime” host na si Ryan Bang. Ito ay matapos niyang mabalitaan ang tungkol rito, at malaman ang hangarin nito na makauwi na sa sariling bansa.
Batid natin, na minsan ng sinabi ni Ryan Bangang plano niyang pag-uwi sa bansang Korea ngayong darating na kapaskuhan. Ito ay upang makasama ang kanyang pamilya sa araw ng Pasko at mabisita naman ang mga ito.
Photo credits: Ryan Bang | Youtube
Ngunit ang plano ngang ito ng It’s Showtime host, ay muli niyang ipagpapaliban, matapos niyang makadaupang palad ang kanyang kababayang koreano, na may kantadaan na at nagtitinda ng Ramen sa Las Piňas.
Napag-alaman kasi ni Ryan, na nais na nitong bumalik sa sariling bayan, sa bansang Korea, at dahil dito ay nagdesisyon ang nasabing host, na ibigay na lamang sa kababayan niyang ito ang perang ipapambili niya dapat ng kanyang ticket pauwi.
Photo credits: Ryan Bang | Youtube
Matatandaan, na naging viral sa social media ang isang South Korean na ramen vendor sa may bahaging Las Piňas ang 76-taong gulang na si Jang Sam-hyun, dahil sa kanyang ginawang pamimigay ng libreng tubig sa mga motorista sa kanilang lugar.
Ang naging pagtulong na ito ni Ryan Bang, ay ibinahagi niya sa kanyang bagong vlog entry sa YouTube.
“Nandito po ako ngayon sa Las Piňas City dahil napanood ko po ang isang balita na meron daw dito isang Koreano na 76-years old na nagbebenta ng Ramen sa kalsada. Wala raw siyang pamasahe papunta ng Korea”, ang naging bungad nga ni Ryan sa mga madlang people na nanonood sa kanya.
Photo credits: Ryan Bang | Youtube
Sa naturang video na ito ng It’s Showtime host, ay makikita ang naging personal niyang pagpunta sa pwesto ni Mr. Jang, ang 76-taong gulang na ramen vendor. At dito nga ay kinamusta niya ito, at nakakwentuhan, kung saan ay naibahagi nito sa kanya ang mga naging karanasan nito at kung paano ito napadpad sa naturang lugar at naging ramen vendor.
“Ngayong pasko, mukhang hindi po ako makakauwi ng Korea, dahil may Showtime pa. ‘Yung pang-uwi ko po ng Korea, ibigay natin sa kanya para tulong-tulong. Kung gusto niya talaga makauwi sa Korea, ibibigay ko na lang sa kanya ‘yung ticket ko”, saad pa nga ng It’s Showtime host.
“I wanted to give you money so you can go back home. I wanted to help with buying your plain ticket”, ang sinabi ni Ryan, ngunit sa lenggwaheng Koreano.
“Maraming salamat sa lhat ng mga Filipino na tumulong sa aking kababayan. Maraming salamat sa inyo. Thank you so much “, sambit ni Ryan.
Photo credits: Ryan Bang | Youtube
Makikita na isang puting envelop ang iniabot ni Ryan kay Mr. Jang, at ito umano ay naglalaman ng maipapamasahe nito pauwi sa Korea.
Dahil sa tulong na iniabot sa kanya ni Ryan Bang, ay nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Mr. Jang kay Ryan, at ito ay sa pamamagitan ng salitang koreano, na ang ibig sabihin ay;
“Thank you. You’re the first Korean to come. No Korean has ever come to see me. No one has even bought ramen. You’re the only one.”, ang naging saad nga ni Mr. Jang, kung ito’y i-translate sa tagalog.
“I’m 76-years old. If something good happens to me, I will repay these people back for all,the help they gave me”, ang naging dagdag pa ng ramen vendor.
Sa naging kwento ni Mr. Jang kay Ryan, ay napag-alaman na kaya ito nasa Pilipinas, ay dahil sa naabutan ito ng lockdown noong buwan ng Marso ng kasagsagan ng p@ndemy@ sa bansa. May tumulong naman umano rito na isang kaibigan, na kapwa rin koreano, at siya’y hinanapan ng pansalamantalang matitirhan, at binigyan ng puhunan upang makapagsimula ng kanyang ramen business.
Napag-alaman din ni Ryan, na noon ay isang matagumpay na negosyante si Mr. Jang, ngunit may hindi umanong magandang pangyayari sa kanyang buhay, kaya naman lahat ng mga ari-arian nito ay nawala sa kanya.