Wacky Kiray Masayang Ipinasilip ang mga Pagbabago sa Kanyang Newly Renovated House na Katas ng Kanyang Pagsusumikap sa Pagpapatawa

Lahat tayo may mga pangarap at pinapangarap sa buhay. Hindi masama ang mangarap, kasi bawat taong nangangarap ay may pag-asang nabubuhay. Ika nga, kung mangangarap ka lang din naman lubus-lubusin mo na.

Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Hindi ganoon kadali para makuha at makamit ang mga ito dahil kailangan mo ng sipag, tiyaga, determinasyon at pananampalataya. Kahit gaano man kabagal ang pag-usad ng ating mga pangarap ay kailangan pa rin natin itong ipagmalaki at ipagpasalamat.


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Tulad na lamang ng host at aktor na si Wacky Kiray na masayang ipinasilip muli ang kanyang tahanan sa mga tagasubaybay nito. Nagpost umano ang aktor/host sa kanyang social media account ng mga litrato ng kanyang bahay noong bago pa ito gawin at ang kasalukuyang mukha nito.


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Bungad sa kanyang Vlog ay makikita ang napakagandang tahanan niya na kakatapos lamang sa isang mabusising renovation. Inihalintulad ng aktor ang mukha ng kaniyang tahanan dati sa isang kulungan ng mga ibon at dahil na din ito ay luma na kaya hindi na gaano kaganda ang disenyo.


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Marami sa atin ang nagtataka kung bakit ipinakita muli ng aktor ang kanyang tahanan sapagkat maraming beses na ito naitampok sa mga programa sa telebisyon.

Ngunit kakaiba naman ang meron sa ngayon kung bakit gusto ulit ipakita ng aktor ang nasabing tahanan at ito ay dahil gusto na niya ilibot at ipakita na ng tuluyan sa mga netizens ang kabuuang ganda at ayos ng bahay.


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Wala ng pahiya-hiya pa ang aktor sa pagpapasilip ng kaniyang tahanan, bagkus ay ibinigay na niya ng todo at ipinakita niya na ang bawat sulok ng kanyang tahanan at kanya ding itinuro ang bawat bagay na naging regalo sa kanya ng mga malalapit niyang kaibigan tulad na lamang ni Alex Gonzaga na kapwa host niya sa isang programa.


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube


Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Image courtesy: Wacky Kiray/Youtube

Matapos libutin ni Wacky ang kanyang bahay at ipakita ito sa netizens ay ibinahagi din umano nito kung paano niya nabuo ang dati lamang niyang pinapangarap na buhay.

Saad ng aktor na dati ay tila isang pangarap lamang niya ito na mahirap abutin ngunit dahil umano sa tulong ng Diyos, mga kaibigan, tagasuporta at higit sa lahat ang kanyang pamilya ay unti-unti niyang nabuo ang pangarap niyang bahay.

HOUSE TRANSFORMATION

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *