Connect with us

Entertainment

Mamangha sa Isang Pinoy na Konduktor Lamang ng Bus Noon, Nagmamay-ari na Ngayon ng Luxury Car Rentals sa Amerika, Ilang mga Hollywood Celebrities Naging Customer Niya

Ilang beses na bang pinatunayan ng ilang kababayan nating mga Pinoy, na naging matagumpay sa buhay, na ang sikreto sa pag-unlad ay ang pagiging masipag at madiskarte sa buhay.




Isa nga sa muling magpapatunay nito ay ang isang Pinoy na dating konduktor ng bus, ngunit dahil sa kanyang, sipag, tiyaga at diskarte, ay isa na ngayon sa mga matagumpay na negosyante Pinoy sa bansang Amerika, na nagmamay-ari ng isang Luxury Car Rentals.

Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook

Ang Pinoy na ito ay kinilalang si Felix, isang dating konduktor ng bus na ngayon ay may-ari na ng Luxury Car Rentals sa Amerika, na ang karamihang mga customers ay mga Hallywood celebrities.

Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook

Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook

Ayon sa ulat, bata pa lamang si Felix ay talaga namang nahihiya na siya dahil siya’y mahirap lamang, at ang kanilang tahanan ay talaga namang hindi kaaya-aya at kumportableng tingnan, kung saan ay hindi ito tulad ng mga nakikita niya na tirahan ng kanyang mga kamag-aral, na maayos at kumportableng tirhan dahil sa ito’y may mga kumpletong kasangkapan.

Ngunit, kahit na nakikita ang mas maayos na kalagayan at buhay ng kanyang mga kamag-aral, ay hindi pinairal ni Felix ang inggit sa kanyang buhay, bagkus, ay ginawa niyang inspirasyon ito, na mas lalo pang magsimikap upang makaahon siya sa hirap, at magkaroon rin ng maganda at kumportableng buhay sa kanyang hinaharap.

At sa buhay na mayroon ngayon si Felix, ay talaga namang hindi niya akalain na ang pangarap niya lamang noon ay natupad niya na, at mas nahigitan pa nga.

“Nung bata ako, akala ko lahat ng tao, ginagawa yung ginagawa naming. ‘Yung nanay ko nagluluto sa kahoy, naghuhugas ng plato sa balde. Pero nu’ng napunta ako sa bahay ng kaklase ko nu’ng high school, nakita ko na mayroon silang couch. Maganda ‘yung lababo nila. Hiyang hiya ako sa katayuan ng buhay namin noon. Doon ko narealize, na dapat akong magsumikap”, pag-alaala ni Felix sa buhay nila noon.

Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook

Kwento ni Felix, sadyang hindi talaga madali ang buhay sa mundo, at matupad ang pangarap na pag-asenso at pag-unlad. Dahil bago pa man umano niya narating ang tagumpay sa buhay niya ngayon, ay naranasan niya muna ang maging isang konduktor ng bus.




Ayon nga kay Felix, bago pa man siya makarating abroad, at maging matagumpay doon, ay nagtrabaho muna siya sa Pilipinas, kung saan siya’y naging isang konduktor ng bus na ang sinasahod lamang ay 10-15 pesos kada araw.

“Naging konduktor ako. Sumesweldo ng 10-15 pesos kada araw. May naging kaibigan ako. Siya ‘yung nagpush sa akin na huwag mawalan ng pag-asa. Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na gawin ‘yung gusto ko. Naghanap ako ng paraan. Sumampa ako ng barko. Hanggan sa nagkaroon ng oportunidad dito sa Amerika”, dagdag pa ni Felix.

Samantala, tulad ng mga naging buhay ng ibang mga Pilipino na naging matagumpay sa ibang bansa, sa umpisa ay dumaan rin sa maraming pagsubok sa Amerika si Felix, ngunit lahat nga ng ito ay kanyang nalagpasan.

Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook

Mula sa naipong pera ni Felix sa kanyang pagtatrabaho, ay naisipan niyang magbukas ng negosyo, ito nga ay ang “rental car business”, na talaga namang sa buhay niya ay isa sa pinakatamang desisyon na kanyang ginawa, dahil ito ang naging daan upang matupad ang pangarap niyang kaunlaran sa buhay.

Photo credits: Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook

“Sinugal ko lahat ng naipon ko para masimulan ‘tong business na ‘to. Sa awa ng Diyos, may mga tumatawag na mag-aavail ng car rental service. Nagkaroon ako ng pasaherong Hollywood celebrities, gaya nina Patty Austin, Simon Cowell at Captain America Chris Evans!”, ang buong pagmamalaki pa ngang saan ni Felix.

Patunay nga lamang ito, na ang pag-unlad sa buhay, ay talaga namang nakasalalay din sa ating pagsusumikap, kaya’t habang malakas at may bukas, ay patuloy nating trabahuin makamit ang ating mga pangarap.

error: Content is protected !!