Mula sa kahirapan at naghihikahos na buhay noon, malayong-malayo na ito ngayon sa maganda at mas angat na pamumuhay ng tinaguriang Badjao girl na si Rita Gaviola.
Si Rita Gaviola, ay isang badjao na nagviral noong taong 2016 sa social media, ito ay matapos kumalat ang kanyang larawan, habang siya ay namamalimos sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Pahiyas Festival sa probinsiya ng Quezon.
Matatandaan na noong mga panahong iyon, ay 13-anyos pa lamang ang dalaga, at dahil nga sa nakita sa kanyang kumalat na larawan ang taglay niyang natural na ganda, ay doon na nga siya nagsimulang madiskubre bilang isang modelo.
Batid ng marami sa atin noon na mula si Rita sa isang mahirap na pamilya ng mga Badjao, kaya naman siya namamalimos noon ay upang tulungan ang kanyang naghihikahos sa kahirapan na pamilya.
Photo credits: google.com
Samantala, apat na taon na nga ng madiskubre si Rita Gaviola, at magsimula siyang maging isang modelo, kung saan ay makikita nga sa dalaga na malayo na ang narrating ng estado ng buhay nito, kumpara noon.
Sa Instagram account ng dalaga, ay madalas siyang nagbabahagi ng kanyang mga larawan, at dito nga ay makikita na talagang malaki na ang ipinagbago ng pamumuhay niya, apat na taon mula ng siya ay madiskubre.
Maliban sa pagiging isang modelo, ay endorser na rin ngayon si Rita, matapos nitong makakuha ng mga endorsement, na isa sa mga source of income niya ngayon.
Photo credits: itsritagaviola
Matatandaan na noong 2018, ay muling inalala ni Rita Gaviola, ang kanyang buhay noon sa pamamagitan ng muling pagbabahagi ng kanyang larawan habang siya ay namamalimos, kung saan ay pinasalamatan niya ring muli ang taong kumuha sa kanya ng larawan habang siya’y namamalios, dahil ito ang naging daan upang maging maganda ang buhay ng pamilya niya ngayon.
Photo credits: itsritagaviola
“Naalala ko pa noong araw na makuhaan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama may takot saking isipan, at konting saying nararamdaman dahil sa oras nay un di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin, ngunit dumating na ang mga di ko inaasahang pangyayari yoon po ngayon ang aking pinapasalamat unang una po sa ating Puong Maykapal at panaglawa kay kuya Topher na kung hindi dahil sa kanya di mangyayari ang lahat lahat ng io”, ani ni Rita.
Photo credits: itsritagaviola
Si Topher Quinto Burgos, ang netizens na palihim na kumuha ng larawan noon kay Rita, habang ito ay namamalimos, ito ay dahil sa nakita umano niya ang angking natural na ganda nito, kung saan ay ng ibahagi nga niya sa social media ang larawan nito ay nag-viral ito at tinagurian ngang si Badjao Girl.
Photo credits: itsritagaviola
Matatandaan naman na naging housemates rin noon ng Pinoy Big Brother (PBB) teen edition si Rita Gaviola noon, ngunit siya ay hindi nakatanggap ng magandang pagtrato mula sa isang mga kasamahan niya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Samantala, ngayon ay abala at pokus si Rita Gaviola sa kanyang pag-aaral, dahil nais niyang makapagtaposm at maging isang guro sa hinaharap, upang makatulong din siya sa mga kapwa lahi niya Badjao, pagdating sa kaalaman sa Edukasyon.