Nakadarama man tayong lahat ng takot at pangamba ngayon dahil sa p@ndemy@ at mga kalamidad na nararanasan ng ating bansa ngayon, ay mayroon pa rin tayong mga nakikitang rason sa buhay natin upang maging masaya, at ipakita ang mga ngiti natin sa ating mga labi.
Isa nga sa mga masasayang pagyayari sa ating buhay na kailangan nating ipagpasalamat at ikatuwa, ay ang pagbibigay sa atin ng Diyos ng patuloy na buhay, lalo na kung hanggang ngayon ay buhay pa rin tayo at nagagawa pang ipagdiwang ang ating kaarawan taon-taon.
Kaya naman sa kabila ng maraming pagsubok na ating pinagdaraanan ngayon, ay marami pa rin sa atin ang nagagawang magdaos ng mga selebrasyon, simple man ito, katulad na lamang ng mga kaarawan, kasal, binyag at iba pa ngang okasyon na nagbibigay tuwa sa atin.
Katulad na lamang nga ng mag-asawang Alfred Vargas na isang politician-aktor, at Yasmine Vargas, na kamakailan lamang ay masayang ipinagdiwang ang ika-10 taong gulang na kaarawan ng kanilang anak na si Alexandra Milan Vargas.
Photo credits: Alfred Vargas | Instagram
Makikita sa YouTube account ng pamilya, na “Vargas na Pag-ibig”, ang naging pagbabahagi nila ng masayang selebrasyon ng ika-10 kaarawan ni Alexandra.
Kahit nga mahirap ang sitwasyon na kinakaharap natin ngayon, ay hindi ito naging hadlang sa pamilya nina Alfred at Yasmin Vargas, na makagawa ng paraan upang maging maganda, at aktibo ang kaarawan ng kanilang anak, kung saan ay mag-eenjoy ang lahat, lalong lalo na ang nagdiriwang ng kaarawan.
Photo credits: Alfred Vargas | Instagram
Sa ibinahaging selebrasyon ng mag-asawa sa naging kaganapan sa kaarawan ng kanilang anak, ay makikita na talaga namang naging masaya ang kaarawan ni Alexandra, ito ay dahil sa mga palaro na inihanda ng mag-asawa, kung saan ay talagang nag-enjoy ang mga bisitang bata, pati na mga magulang ng mga ito.
Photo credits: Alfred Vargas | Instagram
Isang mensahe naman para sa anak na si Alexandra, ang ibinahagi ni Yasmine, kung saan ay nilalaman nito kung gaano kabuting anak ang 10-taong gulang na nilang anak, at kung gaano ito kabuti sa kanyang mga kapatid.
“Thank you for always protecting your sister and also for guiding her, when she’s not listening to her teacher during online classes. Even though you’re her biggest bully you will never let any one hurt her. And thank you for always taking care of Cristiano. When I was pregnant with him you promised that you will take care of your brother”, ang mensahe ni Yasmine Vargas para sa anak na si Alexandra.