Mag-asawang Michigan, na May 14-Bilang na Anak na Panay Lalaki, Masayang Ibinalita na sa Wakas ay Mayroon na Silang Baby Girl, Ito nga ang Kanilang ika-15 na Anak

Kung ikaw ba ay mag-aasawa, nanaisin mo kaya ang manganak ng napakarami?




Talaga namang pinag-usapan ang mag-asawang ito sa Michigan, paano ba naman napakarami nilang anak, kung saan ito ang bilang nito ay 14- na mga lalaki, at ngayon nga ay nadagdagan pa ito, dahil sa nagsilang muli ang ina ng pamilya, ng pang 15 niyang anak, ngunit sa pagkakataon na ito, ay isa na itong babae.

Matatandaan na noon ay pinag-usapan at naipalabas pa sa telebisyon ang mag-asawang Michigan na sina Jay at Kateri Schwandt, ito ay dahil nga sa napakarami nilang mga anak, dahil sa itoy labing apat na puro lalaki.

At ngayon nga ay muling napag-usapan online ang mag-asawa, matapos nilang ibahagi sa publiko, ang naging pagsilang ni Kateri sa kanilang ika-15 na anak, na hindi nila inaasahan na magiging babae na.

Ayon nga kay Jay, ang taon na ito para sa kanilang pamilya, ay talaga namang puno ng saya ay excitement, ngunit ang pinaka-magandang pangyayari umano sa kanilang pamilya ngayong taon, ay ang naging pagsilang ng kanyang asawa, sa kauna-unahan nilang anak na babae, na pinangalanan nilang si Maggie Jayne.

“We are overjoyed and beyond excited to add Maggie Jayne to our family”, saad ng ani Jay, ang ama ng pamilya na ang edad ay 45-taong gulang.

“This year has been memorable in so many ways, for so many reasons, but Maggie is the greates gift we could ever imagine”, dagdag pa nga nito.




Para naman sa panganay na anak ng mag-asawa na si Tyler Schwandt, 28-taong gulang, ay talaga namang napaka-blessed ng kanyang mga magulang, dahil sa wakas, ay nagkaroon na ang mga ito ng baby girl.


“My parents were, finally blessd with little girl they never thought they’d end up having”, ang naging saad nga ni Tyler sa panayam ng Dtroit Free Press.

Maliban nga sa nag-iisang anak na babae nina Jay at Kateri at sa panganay nilang si Tyler, ay mayroon pang anak na labing-tatlo (13) na lalaking anak ang mag-aswa, ito ay sina Zach, Drew, Brandon, Tommy, Vinny, Calvan, Gabe, Wesley, Charlie, Luke, Tucker, Francisco at Finley.

Ang bunsong anak na lalaki ng mag-asawa na si Finley, na sinundan ng ani baby Maggie Jayne, ay nasa edad 2-taon pa lamang, dahil ito ay isinilang noong buwan ng Abril taong 2018.

Samantala, dahil nga sa puro lalaki ang mga naunang ng mag-asawa, at sa pag-aakala ng mga ito na lalaki muli ang kanilang magiging anak, ay talagang hindi sila naging handa, sa pagdating ng isang baby girl, kung saan ay wala silang anumang gamit na para kay baby Maggie Jayne.

Inamin naman ni Kateri, na hind inga ganun kadali maging magulang ng isang malaking pamilya at maraming mga anak, dahil nandyan talga ung sobrang inay, kalat, at kakulitan ng kanyang mga anak, ngunit hindi umano matutumbasan ang kasiyahan nilang mag-asawa tuwing nakikita ang kanilang napakaraming mga anak.