Mag-asawang Magsasaka na Nanalo sa Lotto, Hindi Inakala na Lolokohin ng Kanilang Kamag-anak, Perang Napanalunan Hindi Napakinabangan

Sa napakaraming taong naghihirap ngayon, ay talaga namang marami ang naghahangad na umunlad sa buhay, ito man ay bunga ng sipag at tiyaga o di kaya naman kahit sa “instant” swerte” kung tawagin, tulad ng Manalo sa sugal, weteng o di kaya naman ay sa lotto.

Isa na nga sa mga taong ito, na naghahangad na maging maunlad ang buhay, dahil sa pareho silang lumaki sa hirap ay ang mag-asawang Ernie at Vergie.

Ayon sa mag-asawa, pareho silang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, ito ay dahil na nga sa mula sila sa mahirap na pamilya. Ngunit kahit ano pa nga ang hirap ng buhay ng mag-asawa, ay hindi naman nawawala ang pagiging positibo nila sa buhay, at ang ngiti sa kanilang mga labi.




Nagsisilbing lakas at kasiyahan ng mag-asawa sa kanilang nararanasang hirap sa buhay, ang kanilang mga anak, kung saan ay batid natin na ang mga anak ay isang biyaya na mula sa ating Diyos na lumikha.

Samantala, pagsasaka naman ang ikinabubuhay ng pamilya nina Ernie at Virgie, at dahil sa gusto nilang mag-asawa na mairaos ang kanilang mga anak, at hindi maranasan ng mga ito ang hirap ng buhay na kanilang naranasan, ay ginagawa nila ang lahat upang igapang at matustusan ang pag-aaral at pangangailangan ng mga ito.

Photo credits: GMANetwork

At dahil sa kagustuhang umunlad, ay madalas rin silang tumataya sa lotto, at nagbabakasakaling magbago ang ikot ng kanilang buhay, kapag sila ay nanalo at maka-jackpot ng milyong halaga ng pera.
Kwento ng mag-asawa, ay wala silang inaalagaan na numero sa kanilang pagtaya, ngunit isang gabi, ay nanaginip umano si Vergie ng mga kumbinasyon ng numero, kung saan ay naisip nila na ito ay maaari nilang tayaan sa lotto.

Dahil nga sa hindi nakapag-aral, at hindi marunong magsulat, tuwing tataya si Ernia sa lotto, ay nagpapasama siya sa kanilang kamag-anak. Kaya naman ng utusan ito ni Vergie, na tayaan agad sa lotto, ang kumbinasyon ng numerong kanyang napanaginipan, ay agad itong nagpasama sa kamag-anak.

Isang magandang balita naman ang dumating sa mag-asawa, ng malaman nila na ang kumbinasyon ng numero na napanaginipan ni Virgie ang tumama sa lotto, kaya naman agad silang nabuhayan ng loob, sa pag-asa, na ang pangyayaring ito na ang babago sa ikot ng buhay nilang pamilya.

Ngunit, nagkamali ang mag-asawa sa kanilang pag-aakala, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, at sa kasamaang palad, imbis na milyon ang mapunta sa kanila, ay halagang Php 900,000 na lamang ang kanilang natanggap.

Pagkat ang perang napanalunan nila, ay inilagay sa bank account ng kamag-anak nila, dahil sa ito ang nakapirma sa lotto ticket. Matapos nga nito, ay hindi na nila nasilayan pang muli ang naturang kamag-anak.

Photo credits: GMANetwork

Maliban pa nga rito, ay naloko pa ang mag-asawa ng isa nilang kamag-anak, matapos silang bentahan nito ng pekeng titulo, kaya naman ang pera nila, ay agad-agad na naglaho.




Dahil nga sa masalimuot na pangyayaring ito, na naranasan ng mag-asawang Vergie at Ernie, ay nagdesisyon na lamang sila na muling magbalik sa kanilang probinsya sa Bicol, kung saan ay tinulungan sila ng kanilang tiyahin.

Tila naman nakatanggap ng karma, ang taong nanloko sa mag-asawa, dahil nabalitaan na lamang nila na ito ay nagkasakit ng malubha.