Sa buhay ng isang tao, mayroon tayong mga lugar na talaga namang ating paboritong puntahan at balik-balikan. Hindi lang dahil sa maganda ito, kundi dahil sa magandang ala-ala na ibinigay ng lugar na ito sa ating buhay, at mas lalo na kung ang magandang ala-ala na ito ay parte pa ng iyong kasalukuyan at masayang buhay ngayon.
Ganito ang nadarama ng dating basketbolista na si Doug Kramer, kung saan ay may isang lugar siya at ang kanyang napangasawa na lagi nilang binabalik balikan. At ito nga ay dahil sa magandang ala-ala na ibinigay ng lugar na ito sa kanilang mag-asawa.
Makikita sa Instagram post ni Doug ang naging pagbabahagi niya ng larawan nila ng kanyang asawang si Chesca Garcia, kung saan ay magkasama sila sa isang lugar, at ito nga ay kuha sa magka-ibang taon ng kanilang pagsasama.
Kalakip ng larawang ito, ay ang naging caption ni Doug, kung saan ay ibinahagi niya na sa lugar kung saan kuha ang mga larawan, ay doon sila unang nagtapo ng kanyang asawa, at ito nga ay sa napakagandang Isla ng Boracay.
“We met at Boracay 2003, that is why every year since we met, we go back to where it all started. College Doug and Chesca! [heart emoticon] Circa 2004.”
Ayon nga kay Doug, mula ng sila’y magkakilala ng kanyang asawa sa naturang Isla, ay nakagawian na nilang balik-balikan ito, dahil sa malaking parte ng kanilang buhay ang naging bahagi nito.
Maliban pa nga sa larawan nilang mag-asawa, ay makikita rin ang naging pagbabahagi ni Doug Kramer ng larawan ng kanilang buong pamilya, kung saan ay makikita sa larawan na napakabata pa ng kanilang mga anak sa picture na sina Kendra, Scarlette at Gavin.
Para nga kay Doug, ay talaga namang napakalabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang mga anak niya noon na karga-karga lamang niya sa kanyang mga bisig, ay malalaki na ngayon. Kaya naman talagang bawat araw na kasama niya ang kanyang mga anak, ay ine-enjoy niya ito.
“I’m such a sentimental dad! Enjoying every year with my children!”
“Reality is, like a link of an eye, they’re grown up na. one day they’re sleeping on your tummy with their pacifier. They will ask to carry them on your shoulders, then they will ask you to make funny faces and make jokes that will make you cry from laughter.”
“The journey of fatherhood is so special because I choose to embrace it. To be there for every special moment as they grow up. To guide them, to influence them, and to discipline them.”
Makikita pa nga sa naging paglalahad ni Doug, na talaga namang hindi niya mapipigilan ang mabilis na takbo ng panahaon, ngunit sa kabila nito ay masaya siya dahil sa naranasan niya sa kanyang buhay ang maging isang ama, at gampanan ang tungkulin na ito sa kanyang mga anak, lalo na ang alagaan at pakamahalin ang mga ito.
Ang mag-asawang Chesca Garcia-Kramer at Doug Kramer ay ikinasal noong ika-9 ng Oktubre taong 2008 sa Blue Leaf Events Place sa Mckinley Hill, Taguig City. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay talaga namang inspirasyon at hinahangaan ng marami dahil sa makikita ang tunay na pagmamahal nila sa isa’t isa, at mas tumibay pa nga ang kanilang pagsasama ng sila’y biyayaan na ng mga anak.