Mag Ama, Naglakad ng 459 Kilometro Mula Surigao Hanggang Davao Dahil sa Hindi Sila Makasay sa Kadahilanang kulang ang Papeles na Hinihingi ng Bus

Pumukaw sa mga netizens ang kalagayan ng mag-ama na naglalakad sa kalasada sa kabila ng mainit o maulang panahon. Ito ay matapos na may isang netizens na nagmagandang loob na ibahagi ang kwento ng mag-ama sa likod ng kanilang nakakapagod na paglalakabay mula Surigao patungong Davao del Sur.

Ayon sa naging pagbabahagi ng netizens na kinilalang si Danilo, namataan umano nito ang mag-ama na naglalakad sa may Panabo City. Dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ang ama, na kasa-kasama ang anak nito sa kanyang paglalakad.




Sa naging pagtatanong niya dito, ay napag-alaman niya na ang pangalan pala nito ay si tatay Reynante Quintos, at kaya sila naglalakad ay dahil sa hindi sila pinayagang sumakay sa bus dahil sa kakulangan nila ng papeles na hinihingi ngayon bago ka mapasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ibinahagi rin ni tatay Reynante, na kaya sila nagsisikap na makauwi sa Davao Del Sur mula sa Surigao, ay dahil sa may nakarating na balita sa kanya, na ang isa niya umanong anak na nasa poder ng kanyang asawa, ay nakakaranas umano ng pagmamaltrato mula rito.

Kung iisipin ay napakalayo na nga ng nilakad ng mag-ama, mula Surigao hanggang Panabo, at kung patuloy silang maglalakad papuntang Davao Del Sur ay talaga namang ilang araw pa ang kanilang bubunuin upang marating ito, dahil sa ito’y aabutin pa ng halos 459 kilometro.

Samantala, dahil sa naramdamang awa sa mag-ama, ay binigyan ng netizens ng kaunting pera si tatat Reynante upang makatulong rito. Binilhan niya rin ito ng mga materyales na magagamit nito upang makagawa ng kariton, na maaaring sakyan ng anak na kasama nito, ng mabawasan ang pagod nito sa kanilang ginagawang paglalakbay.




Makikita pa nga sa mga larawan ng mag-ama, na mayroon pang mga dalang gamit ang mga ito, na mas lalo pa ngang nagpadagdag sa hirap at pagod nila.

Agad ngang nag-trending sa Facebook ang post na ito ng netizens tungkol sa naging paglalakbay ni tatay Reynante at ng anak nito, kung saan ay marami sa mga netizens at online users ang talaga namang naawa at nabahala sa kalagayan ng mag-ama.

Ayon nga sa ilang mga netizens na nakakita sa mga larawan ni tatay Reynante at anak niya, ay hindi nila lubos maisip kung gaano kahirap sa mag-ama ang paglalakbay na ginagawa ng mg ito, lalo na at naglalakad lamang ang mga ito, maulan o maaraw man ang panahon.

Hiling umano ng mga netizens, ay makarating nawa sa LGU o mga kapulisan ang kalagayan ng mag-ama, o di kaya naman ay may mabuting tao, ang makasalubong ang mga ito sa daan at tulungan ang mga ito na ligtas na makarating sa kanilang paroroonan.