Lyca Garanoid, Muling Ipinakita ang Kanyang Kabutihan, Matapos Nitong Mamigay ng Pagkain sa Mga Tao sa Kanilang Lugar na Naapektuhan Ng Bagyong Rolly

Ang pagtulong sa kapwa, lalo na ngayon na marami sa atin ang dumaranas ng kahirapan at gutom ay maari nating gawin sa simpleng pamamaraan. Hindi nga naman kailangan na ikaw ay mayaman, o maraming pera para makagawa ka ng kabutihan at pagtulong sa iyong kapwa.




Ganito nga ang ipinakitang kabutihan at pagtulong ng young star na si Lyca Garanoid sa kanyang mga ka-baranggay. Na kahit sa simpleng pamamaraan lamang niya, ay maipahatid niya sa mga ito ang kagustuhan niyang makapag-abot ng tulong para sa mga ito.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Kwento ni Lyca, sa naging pagdaan ng bagyong Rolly sa ating bansa nito lamang nakaraang linggo, ay isa ang kanilang lugar sa Cavite sa labis na naapektuhan, kung kaya’t marami sa mga pamilya na naninirahan rito ang talaga namang nawalan ng tirahan.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

At dahil nga sa pangyayaring rit, ay ninais ng young star, na matulungan ang ilang mga tao sa kanilang barangay na naapektuhan ng bagyo, at dito na nga naisipan ni Lyca na magprepara ng food pack, para sa kanyang mga kabaranggay na naapektuhan ng bagyong Rolly.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Namahagi nga si Lyca at ang kanyang team na Team Charan ng kanin at ulam, sa mga kabahayan sa kanilang lugar, kung saan sa simpleng tulong nila na ito ay isang biyaya na ito para sa pamilya na kanilang nabigyan.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Makikita naman sa naging pamamahagi ni Lyca ng pagkain ang saya at tuwa ng kanyang mga kabaranggay na naabutan niya nito, kung saan ay tila ang ibig sabihin ng bawat ngiti ng mga tao ay pasasalamat sa simpleng biyaya at tulong na ginawa ni Lyca para sa kanila.




Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Samantala, matapos ang naging pagbabahagi ni Lyca ng pagkain, ay ibinahagi ng young singer, kung gaano ang nararamdaman niyang kasiyahan sa ginawa niyang pagtulong sa kanyang mga ka-barangay, ito nga ay kahit sa simpleng pamamaraan lamang.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Bago pa nga matapos ang video vlog ni Lyca, kung saan iya ibinahagi ang simpleng pagtulong niya, ay pinasalamatan rin niya ang kanyang mga nakasama sa pamamahagi ng pagkain, at isa na nga dito ay ang Team Charan.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Tunay nga naman na kahanga-hanga ang young star na si Lyca Garanoid, dahil kahit hindi pa naman siya ganoon kayaman tulad ng ibang mga young star at batang artista, ay nagagawa niiya pa rin magbahagi ng simpleng tulong sa mga taong nangangailan.

GIVE LOVE | SA AMING BARANGAY