Entertainment
Lola ni Jake Zyrus, May Hinaing sa Kanyang Apo “Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo?”

Nito lamang nakaraan ay isang video mula sa Lola ni Jake Zyrus o mas kilala ng publiko noon bilang si Charice Pempengco, na si Lola TessPineda ang lumabas online, kung saan ay humihingi ito ng tulong sa mga kilalang personalidad, tulad nina Jessica Soho at Raffy Tulfo.
Gamot na kanyang panganga-ilangan at makinang Panahi na maaari niyang gamitin, ang hiling ng nito.
Sa videong ito ay ibinahagi rin ng naturang matanda, na hindi na umano siya iniintindi ng kanyang apong si Jake Zyrus, at ng iba pa niyang mga kaanak.
Photo credits: Jake Zyrus | Instagram
Hinaing pa ni Lola Tess sa apo, bakit ang ibang tao ay nagagawang tulungan nito, ngunit siya ay pinabayaan na nito.
Narito nga ang naging mensahe ni Lolas Tess Pineda sa kanyang video.
“May sakit po ako, ang BP ko lagi tatlong araw na 160/100. Pwede po baa ko matulungan makapagpa-check up man lang ako? At kung maaari po sana nang makatulong ako sa taong nag-aalaga sa akin, gusto ko pong magkaroon ng makina para makapanahi kahit paunti-unti. Kaysa po ako’y lagi lang nakaupo, nag-aalala sa pamilya nag-iisip”, saad nito.
Dagdag na mensahe pa nga nito, ay ang kanyang hinaing sa kanyang apo.
“Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala? Kung ako’y naging masamang ina, kung ako’y naging masama lola, sa akin pa rin kayo nagmula. Ano bang kasalanan ko sa inyo, para paghigantihan niyo ako ng ganito?”
Samantala, makikita naman Facebook page na Mukbangers on the Road, na ngayon ay isang nagmagandang loob na citizen ang kumukupkop kay Lola Tess Pineda, at ang naturang matanda, ay nangangailangan nga ng mga gamut para sa kanyang karamdaman.
Narito nga ang nakasaad sa naturang Facebook page, kalakip ang larawan at video ng panawagan ni Lola Tess Pineda;
“Siya po ay 74 years old na at may iniindang karamdaman nais niya pong makapagpa-check up dahil lagi na po siyang nahihilo kailangan niya rin po ng mga gamot.”
“Pansamantala po syang kinupkop ng isang concern citizen ng Sta. Rosa Laguna, hinihiling din po niya na mabigyan siya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong siya sa taong kumumkop sa kanya.”
Makikita naman sa video, na ilang mga netizens, ang nagpa-abot ng kanilang tulong pinansiyal para sa matanda.
Wala pa namang naging kasagutan sa panig ni Jake Zyrus, patungkol sa naging panawagan ng kanyang lola Tess sa kanya.
