Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ng aktres na si Loisa Andalio, ang kanyang tahanan kung saan ay kasama niyang naninirahan ang kanyang pamilya, ito ay upang mapagbigyan na rin niya ang kanyang mga tagahanga, na matagal na itong hiling sa kanya.
Ibinahagi ni Loisa, ang kanyang “Family Home Tour” vlog sa kanyang YouTube channel, nito lamang araw ng Huwebes, ika-26 ng Nobyembre 2020, kung saan ay kasama ng aktres sa ginawa niyang house tour na ito, ang kanyang onscreen partner and real-life boyfriend na si Ronnie Alonte.
Ayon sa aktres, ang bahay nilang ito ng kanyang pamilya, ay nabili niya noong siya ay 19-taong gulang, kung saan ay bunga rin ito ng kanyang pagtatrabaho, bilang isang artista sa industriya ng showbiz.
“Three years pa lang ako sa showbiz, nakuha na namin ‘tong bahay na ‘to. Kasi dati, noong bata ako, nakikitira lang kami sa mga tito, tita”, saad ni Loisa.
Photo credits: LoiNie TV | Youtube
Photo credits: LoiNie TV | Youtube
Photo credits: LoiNie TV | Youtube
Photo credits: LoiNie TV | Youtube
Dagdag pa ng aktres paunti-unti niyang ipinagawa ang naturang bahay, sa pamamagitan ng mga raket at proyektong pumapasok sa kanya bilang isang aktres.
“Pinaghirapan [ko ‘to for] almost one year,” saad nito.
“Alam mo ‘yung pag may pumapasok sa ‘king raket, oh ito naman , bintana naman. ‘Yung mga ganun kaya unti-unti siyang nabuo.”
Ilan sa mga ipinakita ng magkasintahang Loisa at Ronnie, na bahagi ng bahay ng aktres ay anng dining area, kitchen, living room, at ang bedrooms ng ina ni Loisa at ng mga kapatid nito.
Samantala, matapos ang naging house tour ni Loisa sa bahay na kanyang naipundar noong 19-taong gulang siya, na para sa kanyang pamilya, ay sunod na ipinakita ng aktres ang bagong bahay na kanyang nabili, kung saan ito ay “walking distance” lamang mula sa kanilang family home.
Photo credits: LoiNie TV | Youtube
Magkasama ngang nilakad ni Loisa at Ronnie, ang daan patungo sa bagong bahay ng aktres, kung saan ayon kay Loisa, ito ay bahay na niya, at “investment” niya para sa kanyang sarili.
Ibinahagi rin ni Loisa, na ngayong taon lamang niya nabili ang naturang bahay.
“Itong bahay na ‘to, this year ko lang ‘to nakuha para sa’kin, sa sarili ko”, saad ng aktres.
Dagdag pa ni Loisa, ang kanyang mommy ang nag-pushed sa kanya na bilhin ang bahay na kalapit lang ng kanilang family home.
“Kaya dito naming napili kasi magkapitbahay lang kami”, dagdag pa ng aktres.
Aabangan naman ang susunod na bahagi ng “house tour” ni Loisa Andalio, dahil dito, ay ipapasilip niya ang loob ng kanyang sariling bahay.