Connect with us

Stories

Lalaking Nag-ipon para sa Pangarap na Rolex Hinangaan sa Social Media Matapos Idonate Nalang ang Perang Naipon sa mga Nasalanta ng Bagyo

Isang lalaki ang umani ng paghanga ngayon, dahil sa ginawa niyang i-donate na lamang sa mas nanganga-ilangang mga kababayan na nasalanta ng bagyo, ang perang matagal na panahon niyang inipon para sana mabili ang isang bagay na matagal na niyang pinapangarap.

Ang kahanga-hanga ngang lalaking ito, ay kinilalang si Sherwin Gonzales.

Kwento ni Sherwin, matagal na niyang pinapangarap ang makabili ng pinapangarap niyang relo, at ito nga ay ang Rolex watch, na ang halaga, ay mas higit pa kaysa sa presyo ng isang bagong sasakyan.




Ayon pa nga kay Sherwin, sa kanyang naging pagtitipid, napag-iponan niya ang kabuuan ng halaga na kinakailangan niya na pambili umano niya ng relong Rolex. Ito umano sana ang magiging regalo niya para sa kanyang sarili, dahil magdiriwang siya ng kanyang kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre.

Ngunit nagbago ang isip ni Sherwin, ng makita at mapanood sa balita ang kalagayan at malalang sitwasyon ng ating mga kababayan, dahil sa epekto ng pagdaan ng bagyong Ulysses.

“Nagulat ako sa napanood ko sa TV. Ang daming bahay na nasira, daming walang makain. Narealize ko, I’ve already receive the best gift ever for my birthday. The gift of life and that’s priceless!”

Photo credits: Sherwin Gonzales

Ayon nga kay Sherwin, ng makita niya sa TV ang nakakaawang sitwasyon ng mga kababayan natin na labis na nasalanta ng mga bagyong dumaan, ay doon niya nakita at narealize, ang pagiging mapalad niya, at ng kanyang pamilya, dahil kahit dumaan ang bagyo, at mayroong kumakalat na virus, ay nananatili silang malusog at walang mga sakit.

“Try to imagine, waking up na na wipe-out ang bahay mo ng bagyo hays…. Bye bye ROLEX. It’s time to wake up that materials things don’t last.”

Photo credits: Sherwin Gonzales

Dito na nga nagdesisyon si Sherwin na imbis na ibili ng isang mamahaling materyal na bagay ang naipon niyang malaking halaga ng pera, ay napagpasyahan niya na ibigay ito sa GMA Kapuso Foundation, kung saan ay ang foundation na ang mamamala kung ano ang mga dapat ibigay sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.

Photo credits: Sherwin Gonzales

Ibinahagi naman ni Sherwin ang larawan kung saan ay makikita na ang halaga na kanyang ibinigay sa nasabing foundation, ay umabot sa P1-milyong piso, kung saan ito ang perang kanyang naipon na pambili sana niya ng mamahaling Rolex na relo.

“Di po ako mayaman, but galing ‘yan sa puso ko. Sana with this post marami ang maka-realize how blessed they are. Hindi natin ikakayaman magsacrifice, pero hindi din natin ikakahirap ang magshare ngayon gaano man kalaki o kaliit.”




Dahil nga sa kahanga-hangang kawang-gawa na ginawa ni Sherwinm ay agad namang nag-trending online ang kanyang kwento, kung saan ay maraming mga netizens ang talaga namang hinahangaan ang kanyang mabuting ginawa.

“You’re God’s instrument in helping these people who are in nedd at these trying hard times. God is mindfull of your good works sir and humility. God bless you and your family always, Sir Sherwin. You are a great mentor”, komento nga isang humanga sa ginawa ni Sherwin.

error: Content is protected !!