Stories
Lalaki na Taga- Negros Occidental, Nakahukay ng Limpak na Japanese Money, Hindi Inasahan ang Swerteng Ito sa Kanyang Buhay

Marami sa atin ang talagang naniniwala na ang sewerte ng tao ay kusang dumarating sa buhay nito, lalo na kapag ang tadhana ay talagang sumang-ayon dito.
Tunay nga naman na walang mapagsidlang kaligayahan ang iyong madarama kapag ang swerte sa iyong buhay ay dumating na, lalo na kung ito ay isa sa magiging daan upang ang iyong buhay ay umunlad na.
Ganito nga ang nadarama ng lalaking taga Negros Occidental na kinilalang si Tatay Carlito, matapos niyang makahukay ng isang kahon na ang nilalaman ay limpak na salapi ng mga hapon o Japanese money.
At dahil sa napakarami nga ang halaga ng Japanese money na nahukay ni Tatay Carlito, ay kanya iyong inihayag sa Kapuso Mo Jessica Soho, ng GMA-7 kung saan ay ibinahagi naman ng nasabing programa sa kanilang facebook page ang nais iparating ni tatay Carlito.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Ayon nga sa naging pahayag ni Tatay Carlito, ay umaasa ito na ang kanyang nahukay na halaga ng salapi ay mayroon pang katumbas na halaga sa ngayon, ito ay dahil sa magiging malaking tulong ito sa magiging pag-papagamot ng kanyang asawa na may sakit.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Narito nga ang naging pahayag ni tatay Carlito sa Kapuso Mo, Jessica Soho;
“Nakahukay ako ng kahon na may laman na pera na Japanses government. Sana may halaga ito para matustusan sa pagpapagamot sa misis ko na may lupus.”
“Kinabahan ako tsaka umiyak ako. Sabi ko baka ito na swerte ko na makaahon sa kahirapan.”
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Para nga kay Tatay Carlito, ang mga salapi na kanyang nahukay ay biyaya marahil mula sa Poong Maykapal.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na impormasyon kung ang mga salapi ba na nahukay ni Tatay Carlito ay napapalitan na.
Photo credits: Jessica Soho | Facebook
Samantala, hindi na rin kataka-taka sa atin na nangyayaro talaga ang ganitong pangyayari na nakakahukay ng mga salapi o kayamanan dahil batid natin na noong kapanahunan ng ating mga ninuno ay madalas na ginagawa ng mga ito ang pagbabaon ng kanilang mga kayamanan, upang itago sa mga tao na nais makamkam o makuha ito.
