Kylie Padilla proud na ibinahagi ang litrato ng kanyang ina na kaniyang pinagmanahan ng kagandahan

Marami sa atin ang nakakakilala at humahanga sa aktres na si Kylie Padilla dahil sa taglay nitong kagandahan at husay sa pag-arte. Nagsimula ang aktres na makilala nang lumabas siya sa isang serye sa telebisyon na pinamagatang “Joaquin Bordado” kasama ang kanyang ama na si Robin Padilla.

Simula noon, dumagsa na ang mga proyekto na inialok sa kanya upang kanyang pagbidahan na naging daan upang dumami ang makakita ng kanyang kagandahan at talento sa pag-arte.

Maraming nagtatanong sa atin na kung kanino nga ba sa mga magulang ng aktres nagmana ito ng kanyang kagandahang taglay at mala-gatas na puti at kinis ng kanyang kutis.

Nito lamang mga nakaraang araw ay ibinahagi ng aktres ang lumang litrato sa kanyang social media account na kung saan ay ating makikita ang imahe ng kanyang ina noong bata pa ito. Naglagay din ang aktres ng kapsyon na iyon ang mukha ng kanyang ina ng ito ay kaniyang kaedaran.

Sa unang sulyap mo sa litrato ay parang ikaw ay mamalik-mata at mapapatanong kung ito ba ay si Kylie Padilla ngunit kapag nabasa mo ang kapsyon doon mo ma rereyalisa na ito pala ay ina niya at sadyang ang aktres at ang kanyang ina ay parang pinag-biyak na bunga.

Mapapanganga ka na lang sa gandang taglay ng ina ni Kylie Padilla, mapapansin mo at masasabi na talaga namang minana ng aktres ang kaniyang kagandahan at lalo na ang mala-gatas na kutis na taglay sa kaniyang ina.

Umani ng isang katutak na positibong reaksyon mula sa mga netizens ang litrato ng ina ni Kylie Padilla. Liezl Sicangco ang pangalan ng ina ni Kylie Padilla na dating asawa ni Robin Padilla. Ikinasal ang dalawa noong 1996 at noong 2007 naman sila nag desisyon na maghiwalay.

Si Kylie Padilla ay isa sa mga mayroong pinakamagandang mukha sa mundo ng show business, malaking pasasalamat sa kaniyang ama at ina na nagpamana sa kaniya ng kagandahang pisikal at panloob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *