Kwento ng Dating OFW na Naging Palaboy Matapos Itakwil ng Sariling Kamag-anak Dahil Walang Maibigay na Pera, Kinapulutan ng Aral ng mga Netizens

Alam naman nating lahat na ang mga OFW o Overseas Filipino Workers ay isa sa itinuturing na bayani ng ating bansa. Ngunit, higit namang kahanga-hanga ang kanilang ginagawang sakripisyo matugunan lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Hindi nga alintana ng bawat OFW ang mapalayo sa kanilang pamilya, kaakibat ang matinding kalungkutan at hirap sa pagtatrabaho, kumita lamang ng perang ipapadala sa kanilang pamilya.




Sa kabila ng hirap at sakripisyong ginagawa ng OFW para sa kanilang pamilya, ay tila naman hindi mapalad ang ilan sa kamag-anak na mapagkakatiwalaan. Isa ngang kwento ng dating OFW ang viral sa social media at kinapulutan ng aral ng mga netizens. Ito nga ay dahil ang isang lalaking nagkandakuba sa pagtatrabaho sa ibang bansa may maipadala lamang na pera sa kanyang pamilya ay naging isang palaboy matapos itakwil ng sariling kamag-anak dahil wala ng maibigay na pera.

Sa post ng netizen na nagngangalang Aileen Mariquit Sombise, nakilala ang dating lalaking OFW na ito bilang si Kuya Ramon, 61 taong gulang. Ayon sa naturang post, ay 21 taon umanong nagtrabaho sa Saudi, Arabia si Kuya Ramon.

Ngunit, matapos makauwi sa Pilipinas ay naging isang palaboy na lamang siya, na walang maayos na tulugan at wala ring makain sa pang-araw-araw. Maliban sa kanyang katandaan kung saan ay hindi na kayang magtrabaho ng kanyang katawan, ay may mga iniinda na rin siyang karamdaman sa kanyang paa. Kaya naman, nagpasya na si Kuya Ramon na umuwi na lamang ng Pilipinas.

Pagsasalaysay naman ni Aileen sa kanyang post, bago umano tuluyang umuwi sa Pilipinas si Kuya Ramon ay maganda ang trabaho nito sa Saudi at malakin rin ang perang kinikita. Dahil nga, nasa ibang bansa, ay matindi ang pagnanais ni Kuya Ramon na matulungan at maiahon sa kahirapan ang kanyang mga mahal sa buhay, na halos kalimutan na niya ang kanyang sarili. Madalas umanong magpadala ng pera si Kuya Ramon sa kanyang mga kapatid at pinag-aral rin hanggang sa makatapos ang kanyang mga pamangkin.

Ngunit, sa kasamaang palad, kung kailan naman umuwi na siya sa Pilipinas upang magpahinga dahil sa katandaan at wala ng maibigay na pera sa kanyang mga kamag-anak, ay pinabayaan na lamang umano siya ng mga ito. At ngayon nga, ay isa na siyang palaboy sa Luneta na walang matulugan at wala na ring makain.




Isa namang leksyon na puno ng aral ang ipinarating ni Aileen sa kanyang post para sa mga netizens, lalo na sa mga OFW na nagpapahirap magtrabaho sa ibang bansa alang-alang sa kanilang pamilya. Ayon nga rito, ay mahalaga umanong magtira para sa sarili, dahil hindi sa lahat ng oras ay malakas ang ating pangangatawan. Napakahalaga umano na may sariling ipon upang pagdating ng hinaharap ay may mapagkunan. Lalo na kung ang mga taong tinulungan noon, ay nakalimot na rin sa tulong na naibigay sa kanila.

Narito ang post ni Aileen na puno ng aral para sa mga OFW.

“OFW…

Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin…“Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho.”

“Dati xang OFW sa bansang SUADI ARABIA 21yrs OFW may magandang trabaho at kumikita ng malaki kinalimutan ang sarili at di n nakpag asawa inintindi ang mga kapatid at mga pamangkin pinag aral at pinagtapus..
Dec. 2018 umuwi xa ng pinas galing Saudi dahil sa nanakit na ang buong katawan at dina kayang mag trabaho na dapat sana ay magpapahinga na xa sa edad nia 61 pero di nakamit ni kuya Ramon ang kagustuhang iyon dahil sa may karamdaman na xa at wala ng padala sa mga kapatid at pamangkin hinayaan na xa magpalaboy laboy sa kalye walang maayos na tulog at madalas walang kain sa Luneta na po xa natutulog at nakatira ngayun.”

“LIFE LESSONS: WAG TAYO BIGAY NANG BIGAY SA IBA NA SA BANDANG HULI TAYO PA ANG MAWAWALAN.
“Matuto tayong magtira sa sarili upang maihanda ang ating kinabukasan.”

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng komento at reaksyon sa naging karanasan ni Kuya Ramon bilang isang OFW.

“Kawawa..nman sana makita ng mga kapatid at pamangkin Ang nag bigay sa kanila noon..Ang saya nla Na tumangap sa pinadala ne Kuya.tapos ngayon si Kuya Ang kawawa..”

“Kawawa ka na a kabayan ganoon talaga ang buhay kilala ka Nila pag mayron ka pag wala kana pera Di ka na nila pansin ni hindi kana nila alukin kumain at diyan ako na gising sa katutuhan at natoto sorry sa mga makabasa nito pero yan ang totoo Kaya ngayon ito hindi na masyado nakipag comminacate sa kanila.”

“Maganda talaga may sarili kaw pamilya,kasi yan ang tu2long sa iyo hangang sa pagtanda mo,wag mong ibagay sa yun mga kapatid at pamangkin,pwede kaw tumulong yun meron kaw lang sobra,kasi kung lagi kaw,ikaw na aasahan nila”

“Mga ofw mahalin din nyo sarili nyo kng ung tunay nga na kamag anak nakayana tiisin at pabayaan sya.lalo pa kaya ang ibang tao na ang habol laang sanyo ay pera.pera na hanggat meron pag wala na iiwan kana.kaya mag isip isip kayo mag ipon para sa sarili nyo.kayo ang kawawa pagtanda nyo.”