Ang buhay ng isang tao ay inihahalintulad ng marami sa isang gulong ng sasakyan, kung saan ay umiikot ito, depende sa magiging kasipagan ng tao sa kanilang buhay.
Tunay nga naman na hindi porke’t mahirap o mayaman ka ngayon, ay naka-permanente na ito sayo, dahil sa buhay ng tao sa mundo ay walang permanente, lalo na kung pababayaan mo ang buhay mo na manatili sa kung ano ang buhay mo ngayon.
Katulad na lamang nga ito ng kwento ng isang binatilyo, mula sa Cebu, na nagsimula bilang isang magtitinda ng mani, ngunit dahil sa kanyang pagkakaroon ng pangarap, na sinamahan niya ng sipag, tiyaga at determinasyon, ay hindi nga naging imposible sa kanya ang umikot ang gulong ng kanyang buhay. Kung saan mula sa kahirapan ay nagawa niyang umunlad at maging isang mayaman.
Photo credits: google.com
Bata pa lamang sa edad na trese anyos, ng mapilitang magbanat ng buto ang binata, ito ay upang tulungan ang kanyang ina, upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Ito ay dahil sa naging maagang pagpanaw ng kanyang ama.
Namulat ang binata sa marangyang pamumuhay ng kanilang pamilya, ito ay dahil noong nabubuhay pa ang kanyan ama, ay isa itong negosyante, na nagmamay-ari ng mga sinehan sa Cebu. Mayroon silang magandang bahay, mga sasakyan, at nag-aaral sa magandang eskwelahan.
Ngunit ang lahat ng karangyaan na ito ay nawala sa kanila, ng magkasakit ng tipus ang kanyag ama, hanggang sa ito nga ay pumanaw na, at nalaman nila na marami pala itong mga pagkakautang pa, na hindi nababayaran.
Dahil sa walang sapat na salapi na naiwan nag kanilang ama, na maaari nilang ipambayad sa pagkakautang nito, ay nailit ng bangko ang kanilang malaking bahay, mga sasakyan, at maging ang mga negosyo nilang sinehan.
Photo credits: google.com
At dahil nga sa panganay na anak ang binata, ay kinailangan niyang magiging matatag para sa pamilya, at upang matulungan rin niya ang kanyang ina.
Tinulungan ng binata ang kanyang ina ang binate sa paglalako nito ng alahas upang magkaroon sila ng dagdag na puhunan, at ang kanyang mga nakakabatang lima pang mga kapatid, ay ipinadala muna ng kanyang ina sa bansang Tsina, kung saan ay ang iba muna nilang mga kaanak ang mag-aalaga sa mga ito, para rin ang mga ito’y makapagpatuloy sa pag-aaral.
Upang makatulong pa sa ina, ay nagtinda ang binata ng mani, at kahit pa nga ba nagkaroon ng ikalawang digmaang pandaigdig, ay hindi siya tumigil sa kanyang ginagawa.
Sa bawat kinikita ng binata, ay unti-unti niyang dinaragdagan ang mga bagay na kanyang itinitinda. Gumigising siya ng maaga pa at araw-araw ay matyagang nagbibisekleta, patungo sa palengke kung saan niya inilalatag ang kanyag mesa at mga paninda.
Photo credits: google.com
Dahil sa nais niya talagang lumago pa ang kanyang negosyo, ay sumubok pumunta ng Maynila ang binata, ito ay dahil sa napag-alaman niya na mas malakas ang negosyo doon. Dito na nga nagsimulang mag-angkat ng iba’t ibang kalakal ang binata mula sa Manila patungong Cebu, o di kaya naman ay mga kalakal na mula sa Cebu na ibenebenta naman niya sa Maynila.
Dahil nga sa kasipagan niya, ay unti-unti niyang napalago ang kanyang negosyo,kaya’t minabuti niya na pauwiin na sa Pilipinas ang kanyang mga kapatid na nasa Tsina. Nakabili na rin siya ng mas maayos na tahanan para sa kanyang pamilya.
Sa tulong nga ng kanyang mga kapatid, ay mas lalo pang lumaki ang kanilang negosyo, hanggang sa naitayo nila ang kauna-unahan nilang kumpanya sa Cebu, at ito nga ay ang pagawaan ng Cornstarch.
Ang kumpanyang ito na kanilang itinayo ay tinawag nilang Universal Corn Products, na ngayon ay kilala na bilang ang Universal Robina Corporation.
Photo credits: google.com
Hindi nga nagtagal, ay mas lalo pang lumawig ang kanilang negosyo, at nakapagpundar na rin ang binate ng iba pang mga negosyo, kung kaya naman mula sa pagtitinda ng mani sa palengke, ay isa na ngayon ang binatang ito sa may pinakamaraming malalaking negosyo sa Pilipinas, at kilala na rin bilang pinakamayamang tao sa bansa.
Ang binata ngang ito, na nagsimula lamang sa pagiging tindero ng mani, na nagtyaga at nagsumikap na magkaroon ng maraming mga negosyo, ay walang iba kundi ang isa sa itinuturing na pinakamayamang tao sa Pilipinas na si John Gokongwei Jr. o mas kilala bilang si “Big John”.
Photo credits: google.com
Ilan nga sa pagmamay-ari ni John Gokongwei Jr., ay ang Yes! Magazine at ang Robinson’s Mall na isa sa pinakamalaking shopping mall at retail operator sa Pilipinas.
Siya rin ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking paliparan sa bansa, ang Cebu Pacific Airline, maliban pa nga sa mga ito, ay marami pang mga kumpanya ang naipundar at pagmamay-ari ni John Gokongwei.
Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon lamang (2019), ng pumanaw si John Gokongwei Jr., dahil na rin sa katandaan nito, at nito lamang ngang nakaraan ika-9 ng Nobyembre ay ang unang taong anibersaryo ng kanyang naging pagpanaw.