Hindi naman maikakaila na kapag ang isang sikat na personalidad sa showbiz ay may taglay na kahanga-hangang kagandahan, tiyak na maganda at gwapo rin ang kanilang mga kapatid. Dahil sa magandang lahi na dumadaloy sa kanilang mga ugat. At masasabi nga na nasa dugo na ng mga artista ang magagandang lahi, na namana nila sa kanilang mga magulang.
Kaya naman, kung masisilayan natin ang kanilang mga kapatid, ay tiyak na hahangaan rin natin ang kanilang magandang katangian. At ang ilan nga sa kanila ay tila pinagbiyak na bunga dahil sa sobrang pagkakahawig.
Ating kilalanin ang mga sikat na artista sa showbiz na may artistahing kapatid.
Andrea Torres at Kevin Torres
Ang Kapuso aktres na si Andrea Torres, ay sadyang napakaganda, ngunit maliban sa kanya ay may kapatid rin siyang mala-hunk ang dating. Ito nga si Kevin Torres na isang hot daddy na ngayon.
Baste at Samsam
Tila naman kambal kung pagmamasdan ang cute na cute na mainstay ng Eat Bulaga na si Baste at kapatid nitong si Samsam.
Lovi Poe at Yela Tung
Ang anak ni Fernando Poe Jr na si Lovi Poe ay may half-sister na tulad niyang napakaganda at napakasexy rin. Siya si Yela na kapatid niya sa kanyang inang si Rowena Moran.
Gabby Garcia at Alex Garcia
Hindi naman magpapahuli ang napakaganda ring si Gabby Garcia at kapatid nitong si Alex Garcia na artistahin rin angking kagandahan.
Gerald Anderson at Ken Anderson
Ang isa sa hinahangaang heartthrob na si Gerald Anderson ay may kapatid ring tulad niya na hindi lamang hunk ang dating kundi gwapo at talentado rin, siya si Ken Anderson.
Kim at Wendolyn
Ang tinaguriang Chinita Princess na si Kim Chiu, ay ipinagmamalaki rin ang taglay na kagandahan ng kanyang kapatid na si Wendolyn.
Maine at Coleen
Ang aktres at host ng Eat Bulaga na si Maine Mendoza ay may kapatid ring may kahanga-hangang kagandahan na pwedeng isabak sa showbiz. Siya nga si Coleen na may artistahing kagandahan.
Jake at Jacob
Tila naman kambal ang mga anak ng dating Pangulong Erap Estrada na sina Jake at Jacob. Pareho ngang taglay ng mga ito ang gwapo at makisig na pangangatawan.
Nino at Angela
Napakaganda rin ng kapatid na babae ng aktor na si Nino Muhlach na tiyak pagkakaguluhan kapag pumasok sa showbiz, siya si Angela.
Mikee at Denise
Ang aktres na si Mikee Quintos ay may taglay na natural na kagandahan, kaya naman hindi nakapagtataka na ang kapatid niyang si Denise ay napakaganda rin.