Kapamilya Actor Xian Lim, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Bahay na Nagsisilbing Tahanan niya sa Loob ng 10 Taon

Buong pusong pinagbuksan ng pinto ng Kapamilya aktor na si Xian Lim ang kanyang mga tagahanga upang masilayan ang ganda ng kanyang bahay na nagsisilbing tahanan niya sa loob ng 10 taon na matatagpuan sa Antipolo city.




Sa latest vlog ni Xian, tampok ang house tour na mapapanood sa kanyang Youtube channel. Sa nasabing house tour vlog, ay masayang inilibot ni Xian ang mga viewers sa bahay na ipinatayo noong dekada 80, at halos 40 taong gulang na. At nang lumipat sila sa naturang bahay kasama ang kanyang ina at lola, ngayon nga ay halos 10 na silang naninirahan dito.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Pagbabahagi naman ni Xian, magmula ng lumipat sila sa bahay, ay wala pa siyang ginagawang malaking construction dito, maliban sa ceiling na kanyang ipinataas upang maging high ceiling at magkaroon ng malawak na espasyo ang bahay.

“Right when we moved in, ganito na siya. Wala siyang partition. Wala siyang anything. Ang major lang nabago sa bahay na ‘to was the high ceilings kasi dati isang palapag lang talaga siya. But when we moved in, we’re like ‘yeah taasan natin ang ceiling para mas spacious tingnan ‘yung lugar.”

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Pagdating naman sa interior design, ay mas pinili ni Xian na huwag mag-stick sa isang disenyo lamang, kaya naman nang kanyang bahay ay may kombinasyon ng “modern to eclectic to industrial accents and design”. Ito nga ay dahil nais niyang magkaroon ng nakaka-relax na vibes ang kanyang bahay.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

“Another huge help by the interior designers when they came by the house was they helped me fix this place up kasi sabi ko nga, I wanted an area to be able to chill.”

Ipinakita ni Xian ang malawak na living room na paboritong lugar ng aktor sa kanyang bahay. Napakagandang tingnan ng neutral color nila sa mga pader, na binagayan naman ng mga naggagandahang furniture at dekorasyon.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Sumunod naman ang area kung saan madalas niyang eentertain ang mga guest, sa attic na may bagong disenyo. Dito makikita ang sofa, plush chairs at isang industrial style center table.

Photo credits: Xian Lim | Youtube




Photo credits: Xian Lim | Youtube

Ibinahagi rin ni Xian ang isa sa paborito niyang area ng bahay. Dahil nga, parang maze umano ang bahay, ay nagpasya siyang lagyan ito ng wallboard upang magmukhang cabin.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

“This is one of my favorite areas because nu’ng ginagawa ‘yung house [kasi] parang medyo may pagka-maze ang pagkaka-layout ng bahay. We decided na maglagay ng mga wallboard para cabin feels.”

Kilala si Xian bilang isang fitness buff, kung kaya’t hindi rin nawala sa loob ng kanyang bahay ang mini gym kung saan makikita ang iba’t ibang klase ng kagamitan sa pag-eehersisyo. Ang gym ay makikita malapit sa pool area. May pasilip rin ang aktor sa ilan niyang mga obra at sa musical instrument collection niya.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Samantala, matatandaan na ginawan niya ng silid ang clown collection ng kanyang lola. Ang naturang silid ay ipinasilip rin ni Xian sa kanyang vlog.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Maging ang loob ng sasakyan na ginagamit niya sa trabaho ay ipinasilip rin ni Xian, na ayon sa aktor ay dito siya madalas mamalagi kapag nasa taping.

Sa huli ay nangako naman ang aktor na ipapakita sa hiwalay na vlog ang iba pang bahagi ng kanyang bahay.

HOUSE TOUR | Xian Lim