John Lloyd Cruz, Ibinahagi ang Dahilan sa Naging Desisyon Noon na Magpahinga Muna sa Showbiz “Kailangan na rin munang huminto at magnilay-nilay.”

Toang 2017 ng nagdesisyon ang matinee idol-actor na si John Lloyd Cruz na magpahinga muna sa showbiz, kung saan ay nag-indefinite leave siya mula sa ABS-CBN at Star Magic.
Samantala, nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2020, Sabado ng gabi, ay nakapanayam ni Boy Abunda sa isang digital talk show ng Cinema One na Best Talk si John Lloyd, kung saan ay ikinuwento ng aktor ang tungkol sa naging desisyon niya na magpahinga muna sa showbiz.

Photo credits: google.com

Dito na nga sinabi ni John Lloyd na;

“Parang kailangan din munang huminto at magnilat-nilay.”

Nang tanungin naman ng King of Talk ang aktor, kung napagod ba si John Lloyd kaya siya nagpahinga ay sinabi nito na;

“Parang hindi naman siya story na bago.

“Siguro gusto mo lang.. at one point, you realize, sobrang iksi pala ng buhay.

“Gusto ko lang somehow mabigyan din kahit papano ng halaga, ng atensyon yung mga bagay na hindi mo pwdeng ikaila.”

“Yung, di ba, parang hindi mo siya mai-deny, parang kailangan mo siyang gawin.?

“Kailangan, mo siyang gawin, otherwise, parang tingin ko, ayoko namang tumanda na nagtataka ako kung, ‘Paano kung sinubukan ko?”

Samantala, hindi naman ipinaliwag pa ng aktor kung ano ang mga bagay na tinutukoy niyang “hindi mo pwedeng ikaila.”

Photo credits: google.com

Aminado rin ang aktor, na naging mahirap para sa kanya ang ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya sa huling limang-taon, o ilang taon pa bago siya nagdesisyon na magpahinga muna sa showbiz.

“Until now, maniwala ka, Tito Boy, ang hirap i-articulate kung ano man ang nangyayari in the past five years.

“Tingin ko, marami pa ring sinasabi yung mga lumilipas na sandal hanggan ngayon.

“Kaya parang mas masarap din na magmasid na lang, making, huwag na magsalita. Mas interesting kapag ganoon, e.”

Kahit naman tumigil sa pagawa ng “network job”, hindi naman daw umano huminto si John Lloyd sa paggawa ng sining.

Ilan nga sa mga proyektong nagawa ni John Lloyd habang naka-leave sa showbiz ay ang short appearance niya sa “Caulion” na naging entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Nagkaroonrin siya ng script -reading ng ka-loveteam niyang si Bea Alonzo na “That Thing Called Tadhana” para sa isang art fair.

Noong kalagitanaan naman ng lockdown, noong buwan ng Agosto 2020, muling nagkasama sina John Lloyd at Bea sa experimental project nila sa Instagram na “The Unconfined Cinema.”
Dito nga sinabi ng aktor, na nawala man siya sa trabaho, at huminto man siya ng matagal, ay hindi naman siya tumigil sa paggawa ng sining.

Photo credits: google.com

Matatandaan naman, na noong taong 2017, ng magdesisyon si John Lloyd na mag-indefinite leave sa showbiz, ay kasabay naman nito ang naging balita ng relasyon nila ng aktres na si Ellen Adarna, at ang naging pagbubuntis nito na balita nga na ang aktor ang ama, ayon sa PEP.ph noon.

Nang mabuntis nga ang aktres, ay namalagi si John Lloyd sa lugar nito sa Cebu, at doon na nga nito isinilang ang kanilang anak na si Elias Modesto, noong buwan ng Hunyo 2018.
Isang taon ang lumipas, at halos ilang buwan lamang matapos magdiwang ng ika-1 taong gulang na kaarawan ni Elias, ay lumabas naman ang balita na hiwalay na sina John Lloyd at Ellen, at ang aktres ay nagkaroon na ng bago itong karelasyon.

Photo credits: google.com

Matapos nga nito, ay unti-unti na namang naging visible si John Lloyd sa showbiz.

Photo credits: google.com

Ngayon nga ay aabangan ang nakatakdang paglabas ni John Lloyd sa pelikulang Servando Magdamag na ang director, ay ang kaibigan niyang si Lav Diaz.
Sa bandang dulo nga ng panayam sa aktor, ay sinabi nito na sa dami ng nagyari sa buhay niya, ay “kailangan pa ring magtrabaho.”