Nito lamang ika-12 ng Nobyembre araw ng Huwebes, ay muling nakaranas ng malakas na bagyo ang ating bansa, at ito ay ang bagyong Ulysses na talaga namang naging mala-bagyong Ondoy ang naging kaganapan sa ibang mga lugar.
Binayo ng malakas na hangin at ulan na dulot ng bagyong Ulysses ang ilang parte ng Luzon, at kabilang na ang Metro Manila. Kung saan dahil sa tindi ng hagupit ng naturang bagyo, ay ilan sa mga lugar sa Luzon at Metro Manila, ang talaga namang lumubog ang mga kabahayan dahil sa pagbaha.
Samantala, sa kabila ng rumaragasang bagyo, ay may ilan pa rin tayong mga kababayan na gawanag tumulong at saklolohan ang kani-kanilang mga kababayan o kabaranggay, maliban pa nga sa ating mga rescuers.
Kabilang na nga rito ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, na umani ng paghanga ngayon, mula sa mga netizens, dahil sa ipinakita nilang kabutihan sa naging pagtulong nila sa mga residente na nasa loob ng kanilang village, na na-trapped sa kanilang mga tahanan, dahil sa baha na dala ng napakalakas na pagbayo ng hangin at ulan ng bagyong Ulysses.
Dahil sa nakita ng mag-asawa ang nakaka-awang sitwasyon ng ilang mga residente sa kanilang lugar, ay hindi sila nagdalawang isip na tumulong sa mga rescuers, kaya naman gamit ang kanilang surfer boards, ay pinuntahan agad nina Jericho at Kim, ang mga residente na nangangailangan ng tulong.
“This morning paglabas namin, baha na. Usually, kapag baha dito kas, ganyan talaga. Laging ganyan, ang problema. Sometimes, walang boat or floatation devices, so naglabas kami ni Kim ng surf boards”ang saad ng aktor.
Ayon pa sa aktor, maayos naman ang kalagayan ng mga bahay na kanilang napuntahan, gamit ang kanilang surfing boards, ngunit may iba umanong hindi na rin napuntahan, kahit ng mga rescue team dahil sa lakas ng agos, at wala pang magamit na mga bangka.
Ibinahagi naman ng aktor, na kumpara noong dumaan ang bagyong Ondoy, ay mas Malala ngayon ang sitwasyon, dahil talagang hindi inakala ng mga tao, na tataas masyado ang tubig na naging dahilan ng matinding baha sa kanilang lugar.
Payo naman ng aktor para sa marami, sa kabila ng dumaang kalamidad, ay mas mainam pa rin na manatiling kalmado ang lahat, at mas maging aral ito, na tuwing may paparating na kalamidad ay kailngan talaga itong paghandaan.
“Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything so mas maganda, kung tayo mismo in the future we ca prepare. It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay at ng mga rescuers. Of course, support the rescuers. I hope they get enough funds for rescue. We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari”, ani Jericho.
Samantala, si Jericho Rosales, ay isang Avid surfer simula pa taong 1999, at kahit pa nga ba noong hagupitin rin ng bagyong Ondoy noon ang Metro Manila, ay nagawa ring tumulong ng aktor sa mga residente.