Tunay nga naman na ang ating mga OFW ay isa sa mga maituturing nating bayani ng ating bayan. Ito ay dahil sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho sa ibang bansa, kung saan ay tinitiis nilang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, ay talaga namang nagagawa nilang magtiis upang mabigyan lamang ng maayos at magandang buhay ang kanilang mga pamilya.
Hindi nga naman madali ang buhay ng isang OFW, marami sa kanila ay talaga namang tinitiis ang hirap ng kanilang trabaho, o di kaya naman ay ang pagiging mapang maliit ng kanilang mga nagiging amo.
Batid natin na hindi lahat ng OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa ay nakakakuha ng mga mabubuting amo, dahil marami sa kanila ay talaga namang nakaranas ng hindi magagandang gawa sa mga ito.
Kamakailan nga lamang, ay isang larawan ng isang OFW ang nag-viral online, ito ay matapos siyang makuhaan ng larawan ng kanyang kapwa Pinoy na nanonood lamang habang kumakain ang kanyang mga amo sa isang restaurant.
Dahil nga sa habag ng Pilipinong nakasaksi sa pangyayari, ay kinuhaan niya ito ng larawan at ibinahagi, ito ay upang makita ng mga kababayan natin ang sitwasiyon ng pobreng kasambahay na isang OFW.
Photo credits: Regine Canete Allones | Facebook
Sa Facebook post nga ng netizen na nagngangalang Regine Caṅete Allones, ay kinuwento nito kung paano niyang nasaksihan ang naturang kahabag-habag na kalagayan ng ating isang kababayang OFW.
“Kanina habang kumakain aq, ta sung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda niya ang pagkain ng bata tas ang amo nag-order ng foods. Katulong nila, sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q, naobserbahan ko tlga kung may pagkain yung maid, (walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanood ang amo na kumain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain, kaso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung magtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tiring pagkain.
#RespectStillHuman hindi robot kakain at kakain yan #IbangLahi
#And do not forget to do and to share with others, for with such sacrifices God is pleased/
#Hebrew 13:16”
Ayon nga sa kwento ni Regine, ng araw na iyon ay kumain siya sa isang restaurant, at dito nga ay nakita niya ang isang pamilya na may kasamang kasambahay na isang OFW. Pagkapasok nga ng mga ito, ay nakita ni Regine ang agad na pagpunas ng nasabing maid sa mesa, at sa uupuan ng kanyang among babae at ng anak nito.
Pagkatapos nga nito, ay nakita niya na inihanda na ng naturang OFW na kasambahay ang pagkain ng anak ng kanyang amo, habang ang amo naman nito ay nag-order ng makakain ng mga ito.
Photo credits: Regine Canete Allones | Facebook
Pagdating nga ng inorder ng amo ng OFW, ay napansin ni Regine na walang anumang pagkain na iniabot para sa OFW maid, at nakita nga niya na ito’y nakaupo at pinapanood lamang na kumakain ang mga amo nito.
Ayon pa nga sa naging Facebook post ni Regine Allones, ay talaga namang nakakadurog ng puso ang pangyayaring ito, na masaksihan ang kapwa niya Pilipino na sa ganuong sitwasyon.
Dagdag pa nga ni Regine, ginusto niya umanong abutan ng tulong o makakain ang OFW maid na kapwa niya Pilipino, ngunit ito’y hindi niya nagawa, dahil baka anu ang isipin ng amo nito, at lumabas pa na siya ang masama.
Patunay nga lamang ito na hindi madali ang nararanasan na buhay ng ating mga OFW sa ibang bansa, kaya naman para sa mga makakabasa nito na may kapamilyang OFW, lagi niyong iparamdam sa kanila ang inyong pagmamahal sa kabila ng pagiging malayo niyo sa isa’y isa, dahil ito lamang ang kanialng kinakapitan upang tiisin ang hirap ng trabaho na nararanasan nila.