Isang Mister Napaiyak sa Labis na Kaligayahan Matapos Regaluhan ni Misis ng Pinapangarap na EVO Helmet

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam kapag pinapahalagahan ka ng taong iyong minamahal. Kung saan, ay naa-appreciate ang sakripisyo at pagsusumikap upang maitaguyod ang pamilya. Bahagi na nga sa pagsasama ng mag-asawa ang magtulungan upang maitaguyod ang pamilya.

Ang bawat isa nga ay talagang nagsusumikap upang gumaan at gumanda ang buhay. Kaya naman, napakasarap kung ang mag-asawa ay may tapat at wagas na pagmamahal sa isa’t isa. Na kung minsan nga, kung kaya naman ng budget, ay naglalaan ng pera, upang mabigyan ng regalo ang asawa, kahit hindi nito hinihingi.




Ganun na lamang nga ang kaligayahan ng isang Mister, matapos ibigay ni Misis, ang regalong matagal na nitong pinapangarap. At dahil nga, halos hindi makapaniwala ay naiyak pa si Mister sa labis na kaligayahan.

Kinagiliwan nga ng mga netizens ang video na ibinahagi ni Bullet Reyes (Arlene) sa Facebook. Ito nga ay matapos surpresahin ng isang regalo ni Arlene ang kanyang asawa na si Benson Madueno sa pagdiriwang ng kanilang ika-17 anibersaryo bilang mag-asawa.

Photo credits: Bullet Reyes | Facebook

Mapapanood sa video na sa pagbukas pa lang ng kahon, ay hindi na maikubli sa mukha ni Benson ang labis na kaligayahan. At nang tumambad sa kanya ang pinapangarap na EVO helmet, ay napaiyak na siya ng tuluyan.

Photo credits: Bullet Reyes | Facebook

Ayon nga kay Benson, dati umano ay hanggang tingin lamang siya sa nasabing helmet, at ngayon nga ay nasa kamay na niya ito.

“Nakikita ko lang ‘to sa market place e, puro screenshot lang ako sa market place, ngayon nasa akin na siya.”

Photo credits: Bullet Reyes | Facebook

Samantala, sa isang hiwalay na video naman mapapanood kung paano patahanin ni Arlene ang kanyang asawa. At sa pag-uusap ng dalawa, ay sinabi ni Arlene na gusto niyang ibigay ang nais ng asawa sa abot ng kanyang makakaya upang mapasaya ito.




“Alam mo naman, mabunganga lang ako pero kung ano ‘yung gusto mo talaga at kaya kong bilhin, bibilhin ko ‘yan. Gusto ko lang lagi kang masaya, okay?”

Photo credits: Bullet Reyes | Facebook

Tila naman nahihiya ang Mister sapagkat wala umano siyang regalo sa kanyang Misis. Ngunit, agad namang sumagot si Misis at sinabi na mas mahalaga para sa kanya ang pagmamahal at pasensya na ibinibigay ng asawa sa kanya.

“Kahit ‘wag kang mag-regalo sa akin, ikaw deserve mo ‘yan kasi nagtatrabaho ka. I love you.”

Dahil nga sa talagang nakakakilig ang tagpong ito ng mag-asawa, ay agad itong nagtrending sa social media. Makikita kasi sa mag-asawa ang tunay na pagmamahal sa isa’t isa na talagang pinapahalagahan nila ang sakripisyo ng bawat isa.

Maraming netizens ang talagang humanga sa mag-asawang Arlene at Benson sa kanilang tunay at wagas na pagmamahalan. Nagbigay ang mga netizens ng kanilang mga samu’t saring reaksyon at komento.

“Ganyan ang totong love, ‘di ‘yung gusto puro lalaki ang magbibigay ng gift. Karapatan din ng girls ang magbigay ng gift sa love nila dahil sa pag-intindi pa lang ng ugali natin, gift na nila sa atin ‘yun.”

“Ang cute tingnan, napaka-appreciative noong lalaki, sweet ni misis. Love love.”

Facebook