Connect with us

Stories

Isang Ina, Para Buhayin ang Pamilya, Kinaya ang Mag-Trabaho Bilang Isang Construction Worker Kahit Ito’y Panglalaking Trabaho, at Delikado Para sa Isang Bababe na Tulad Niya

Bilang isang ina, asawa, at ilaw ng tahanan, ano ang kaya mong gawin upang tulungan ang iyong kabiyak, upang maitaguyod ang iyong mga anak, sa kabila ng kahirapan at pandemyang ating kinakaharap.




Tunay nga naman na kapag ikaw ay isang ina, lahat ng sakripisyo at trabaho ay makakaya mong gawin, lalo na kung ito ay para sa iyong mga anak.

Kamakailan nga lamang ay isang ina ang tinaguriang Wonder Woman at umani ng maraming paghanga mula sa mga netizens, ito dahil sa kanyang pambihirang ginawa, para lamang buhayin at maitaguyod ang kanyang mga anak.

Naitampok nga ang pambihirang kwento na ito ng Wonder Mom na kinilalang si Joan Diviva sa magazine show nga “Wish Ko Lang” ng GMA-7 .

Ayon nga sa naging kwento ni Joan, ng magkaroon ng pandemya, ay hindi na nagawa pang makauwi ng kanyang asawa na Sherwin Lacao sa kanila, ito ay nagtatrabaho sa malayo kaya naman siya lamang mag-isa ang naiwan sa kanilang mga anak.

Dahil rin sa pagkakaroon ng pandemya, ay hindi na nakapagpapadala pa ang kanyang asawa, dahil sa wala ito masyadong trabaho, kaya naman ng mga panahong iyon ay halos wala na siyang maipakain sa kanyang mga anak, at wala na rin siyang pang gastos sa araw-araw nilang pamumuhay.

Sa pangyayaring ito, ay naisipan na ng ani Joan ang maghanap ng mapapasukang trabaho, at at dito na nga siya napasok sa pagiging isang construction worker.




Batid ng marami sa atin na ang construction worker ay trabaho lamang talaga ng mga kalalakihan, dahil sa ito ay talaga namang napakahirap at mapanganib na trabaho.

Ngunit kahit pa ng aba mahirap at delikado ang pagiging isang construction worker para sa isang babaeng tulad niya, ito ay hindi inalintana ni Joan, dahil sa kinakailangan niyang kumite ng pera, para may maipakain siya sa kanyang mga anak.

Sa araw-araw, ay talaga namang sobra-sobrang pagod ang kanyang tinitiis, at kahit pwedeng mapahamak dahil sa delikado ang kanyang trabaho ay tuloy pa rin ang trabaho para kay Joan. Sa umaga nga ay matiyagang tinatapos ni Joan ang kanyang trabaho sa construction, at sa tanghali naman ay ipinagluluto niya ang kanyang mga anak, ng makakain ng mga ito.

Naantig naman ang maraming mga netizens sa kwento na ito ng buhay ni Joan, kung saan ay talagang pinatunayan niya na dakila ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak.

Samantala, nakatanggap naman ng tulong mula sa “Wish Ko Lang” ang pamilya ni Joan, kung saan ay nagbigay ito ng mga bagay na kakailanganin ng pamilya ni Joan, lalo na ng kanyang mga anak at tinulungan rin ng nasabing programa ang asawa nito na si Sherwin na makauwi sa kanila.




error: Content is protected !!