Connect with us

Entertainment

Instant Milyonaryo ang Isang Lalaki na ito Matapos Bumagsak ang Isang Epesyal na Bato na ito sa Bubungan ng Kanyang Bahay

Isang lalaki sa Sumatra, Indonesia gumagawa ng coffin ang inkinabubuhay, ang naging instant milyonaryo. Nito ngang buwan Agosto bumagsak sa bubungan ng bahay ng lalaking coffin makerang isang meteorite, na naging dahilan upang maka-ahon siya sa kahirapan.




Ang lalaki ngang ito ay kinilalang ang 33-taong na si Joshua Hutagalung.

Ayon sa kanya, abala siya sa pag-gawa ng coffin sa labas ng kanyang tahanan, ng makarinig siya ng malakas pagbagsak sa bubong ng kanyang bahay. Kung saan ay nakita nga niya ang bumagsak na 2.1 kilogramo na bato.

Photo credits: google.com

Sa naging panayam ng medya, sa lalaking naging instant milyonaryo ay ikinuwento nito ang pangyayari.

The sound was so loud the parts of the house were shaking too. And after I searched, I saw that the tin roof of the house had broken. When I lifted it, the stone was still warm.

Base sa kanyang naging salaysay, ay naging malakas ang tunog ng pagbagsak ng nasabing bato, at ng hawakan niya ito, ay mainit ito.

Samantala, ang batong ito pala, na bumagsak sa bubungan ng bahay ng lalaki ay isang meteorite, na ang estima ay aabot ng halagang $1.9 milyong dolyar o sa halaga sa Pilipinas ay nasa P90-milyong piso.

Photo credits: google.com

Matapos ibahagi ni Hatugalung sa kanyang Facebook account ang larawan nito, ay nakuha nito ang atensyon ng mga specialist collector, kaya naman nagdesisyon si Hatugalung na ibenta ito sa mga collector.




Matapos nito, ay lumabas sa ibang ulat na naibenta pa ito ng collector na kanyang pinabentahan sa mas mataas na halaga, kung saan ang bagong nagmamay-ari nito ngayon ay mas pinili na ilagay ang meteorite sa liquid nitrogen na matatagpuan naman sa Center for Meteorite Studies at Arizona State University.

Photo credits: google.com

Nang tanungin naman ang Indonesian, kung ano ang magiging plano niya sa kanyang yaman, na mula sa pinagbentahan niya ng meteorite, ay sinabi nito ang plano niyang pagreretiro, at pagpapatayo ng negosyo. Magpapatayo rin umano siya ng bagong bahay dalanginan o simbahan sa kanilang bayan.
Hindi naman ibinahagi ni Hatugalung, kung magkano ang eksaktong halaga na nakuha niya sa pagbenta ng meteorite.

Lumabas naman sa pag-aaral, na ang meteorite na bumagsak sa bahay ng Indonesian, kung eestimahin ay nasa 4.5 bilyong taon na.

Photo credits: google.com

Ang swerte nga naman ng tao, ay dumarating lang sa hindi masabing panahon at pagkakataon, katulad na lamang nga ng Indonesian na si Joshua Hatugalung.

error: Content is protected !!